2 most wanted sa rape at murder, timbog sa Caloocan at Valenzuela
- Published on November 23, 2022
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang pagkakaaresto sa dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.
Ayon kay Col. Peñones, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera, kasama ang 4th MFC RMFB, NCRPO ng joint manhunt operation sa Araya St. Dolmar 2. Golden Hills Subdivision Brgy. 168, Deparo 1, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang most wanted person dakong alas-4:30 ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si Cebastian James Biglang-Awa. 19 ng Barangay 168, Deparo 1, ng lungsod
Si Biglang-Awa ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rosalia I. Hipolito-Bunagan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 232, Caloocan City para sa kasong Rape.
Sa Valenzuela, natimbog din ng mga operatiba ng WSS ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista sa manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa McArthur High-way, Barangay Karuhatan dakong alas-3 ng hapon ang isa pang most wanted person na kinilala bilang si Melvin Magnifico, 54 ng Lot 5 Blk. 10 Phase 5, PerIsland Malinis Street, Brgy. Lawang Bato.
Ani Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, si Magnifico ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong March 7, 2017 ni Judge Maximino R. Ables ng Regional Trial Court (RTC) Branch 47, Masbate City para sa kasong Murder at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Richard Mesa)
-
Fernando mandates temporary suspension of mining activities, demands DPWH, LTO, PNP, HPG to help crackdown overloading
CITY OF MALOLOS – To address the ongoing issue on dilapidated roads and over-mining in the province, Bulacan Governnor Daniel R. Fernando issued Executive Order No. 21 which mandated the temporary suspension of all mining permits, quarrying, dredging, desilting and other type of mineral extractive operations within Bulacan. During the dialogue with the […]
-
1,424 magulang/guardian ng mga mag-aaral, tumanggap ng P3K ayuda
BINISITA ni Congressman Toby Tiangco para kamustahin ang unang batch ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP para sa mga magulang/guardian ng Navoteño senior high school students. Umabot sa 1,424 magulang/guardian ng mga mag-aaral mula sa San Roque National High School, Navotas National High School, […]
-
Babala sa hoarders: 15 taong kulong, P2M multa ipapataw
PlNASASAMPOLAN ng isang lider ng Kamara de Representantes ang mga hoarder ng alkohol at iba pang produkto na lalo lamang magpapasama sa kalagayan ng bansa ngayong kumakalat na ang coronavirus disease. Ayon kay House committee on trade and industry chairman at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian sa ilalim ng Price Act ang mga hoarder ay […]