• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Appointment ni Sec. Tulfo, tagilid

IPINAGPALIBAN ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ng appointment ni DSWD Secretary Erwin Tulfo matapos masilip ang dual citizenship nito.

 

 

May US at Filipino citizenship si Tulfo.

 

 

Nagmosyon si CA Majority Leader at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na i-defer ang kumpirmasyon sa appointment ni Tulfo dahil sa dalawang isyung binanggit ni 1-SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta tungkol kay Tulfo, ang citizenship at ang conviction sa libel case ng Kalihim na hinatol noon ng Pasay Regional Trial Court.

 

 

Tanong ni Caloocan City Rep. Oscar Malapitan kay Tulfo kung tinakwil niya ang Filipino citizenship noong maging enlisted personnel ng US Army mula 1988-1992.

 

 

Hindi naman ito sinagot ni Tulfo at sa halip ay humingi ng executive session sa komite na tumagal ng halos isang oras para pag-usapan ang naturang isyu.

 

 

Sinagot naman ng kalihim ang pagiging convicted sa kasong libelo na umanoy nangyari dahil sa pagtupad sa kanyang trabaho bilang mamamahayag.

 

 

Subalit giit ni Marcoleta, hindi pa rin mababago ang sitwasyon na nahatulan ito sa kaso lalo pa at ang libel case ay may kinalaman sa ‘moral turpitude’ kung saan ang tugon naman ni Tulfo ay dahil sa kanyang trabaho bilang journalist.

 

 

Ayon naman kay Sen. Chiz Escudero, unfair na gamitin laban kay Tulfo ang conviction niya sa libelo dahil ngayon ay isinusulong niya ang pagde-decri­minalize nito at maging ng kalihim ng Department of Justice (DOJ).

 

 

Nausisa rin ang pagkakaroon ng 10 anak sa naging apat na asawa ni Tulfo na umano’y isang pagkakamali noong kabataan niya subalit ang mahalaga umano ay inaalagaan niya ang kanyang mga anak.

 

 

Samantala, lumusot naman sa CA si DPWH Secretary Manuel Bonoan. (Daris Jose)

Other News
  • Birthday party, nagmistulang concert sa rami nang kinanta: GLADYS, ‘di napigilang maluha nang maalala ang pumanaw na ama

    BUKOD-TANGING ang actress na si Gladys Reyes lang talaga ang makakapag-pull-off ng party na tulad ng ginawa niya for her 45th birthday.     Talagang na-entertain ang mga bisita niya dahil nagmistulang concert ang party niya. Mahigit 15 songs yata ang sunod-sunod na pinerform niya, aside pa sa mga kantang kasama niya ang bestfriend na […]

  • GOBYERNO NG AMERIKA, HUMINGI NG DOKUMENTO SA COMELEC

    HINILING ng gobyerno ng Amerika sa Commission on Elections (Comelec) na magbigay ng mga dokumento para sa kaso laban kay dating Comelec Chairman Andy Bautista na iniulat na nahaharap sa money-laundering at bribery charges sa Amerika.     Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa panayam ng ANC na nakipag-ugnayan ang US government at hiningi […]

  • ‘Godfather’ ng POGO sa Pinas, timbog!

    NADAKIP ng mga tauhan ng Presidential Anti-Orga¬nized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration (BI) kamakalawa ng gabi ang itinuturing na “big boss” ng Lucky South 99 na nag-o-operate ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga.     Ayon kay PAOCC chief Usec. Gilbert Cruz, si Lyu Dong alyas Hao Hao, Boss Boga, […]