“Bilang tagapagtaguyod ng mga bata at ama ng lalawigang ito, batid ko ang aking tungkulin na pangalagaan ang malinaw na kinabukasan ng Bulacan sa pamamagitan ng pagseseguro sa proteksyon, kalinga, kaunlaran at Kalayaan ng ating mga anak” – Fernando
- Published on November 24, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – “Bilang tagapagtaguyod ng mga bata at ama ng lalawigang ito, batid ko ang aking tungkulin na pangalagaan ang malinaw na kinabukasan ng Bulacan sa pamamagitan ng pagseseguro sa proteksyon, kalinga, kaunlaran at Kalayaan ng ating mga anak. At habang ipinagdiriwang natin ang makabuluhang buwan para sa ating mga kabataan, naalala ko ang nasabi ni dating Pangulong Barack Obama: The future belongs to young people with and education and the imagination to create”.
Ito ang naging mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan sa may 350 daycare na mag-aaral at mga magulang, Child Development Workers at Local Council for the Protection of Children (LCPC) Child Representatives sa ginanap na Provincial Children’s Congress 2022 sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kamakailan.
Sa mithiing pangalagaan ang mga karapatan at kapakanan ng higit sa 1.2 milyonng kabataang Bulakenyo, itinampok ni Fernando, Tagapangulo ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC), sa kanyang Local State of the Children’s Address (SOCA) ang pinakamahalagang karapatan ng mga bata kabilang ang kaligtasan, pag-unlad, proteksyon at partisipasyon sa pamamagitan ng epektibong programang pangkalusugan at edukasyon gayundin ang proteksyon mula sa pang-aabuso at panganib.
Idinetalye rin ng gobernador ang matagumpay at epektibong programang ipinatupad ng pamahalaan sa nutrisyon, immunization coverage ng mga bata sa Bulacan, early childhood care development, pagbuo ng kapasidad ng mga child development workers at iba pa.
May temang: “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan!”, dalawang kumpetisyon ang ginanap sa Children’s Congress kung saan nanalo ng unang pwesto si Syren Caullie D. Carpio, mula sa Pitpitan Day Care Center sa Bulakan para sa poem reciting contest; pumangalawa naman si Angel Lyn D. Yuson, mula sa Balagtas Heights Day Care Center sa Balagtas; at Eliesha Yuen R. Alvez, mula sa Paliwas Child Development Center sa Obando na nag-uwi ng ikatlong pwesto.
Para sa copy and color competition, wagi si Einory Jane DC Pelayo ng Buga Child Development Center sa San Miguel ng unang pwesto; Lia Yzabelle Uliten Carolino mula sa Talbak Day Care Center sa Doña Remedios Trinidad sa ikalawang pwesto; at Cassey Gaile N. Basco ng Paltok Day Care Center sa Angat para sa ikatlong pwesto.
Tumanggap ang lahat ng mga nananalo ng tropeo, pack of groceries mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at nag-uwi ang bawat isa ng P10,000 para sa mga una at pangalawang pwesto at P8,000 para sa ikatlong pwestong nagwagi.
Gayundin, tumanggap ang mga hindi nagwagi ng consolation prize na P3,000, pack of groceries mula sa NGCP, at sertipiko ng partisipasyon bawat isa.
Kakatawanin ng mga nanalo ang probinsya sa Regional Children Congress na gaganapin sa Nobyembre 25, 2022 sa Lungsod ng San Jose Del Monte.
Namahagi rin ng mga module bag sa mga day care na mag-aaral sa lalawigan ang Provincial Social Welfare and Development Office na nanguna sa taunang kongreso. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Newsome, Amer bombilya ng Meralco sa 45th PBA
MAY ilang taon na ring nangangamote ang Meralco sa Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup, kagaya sa nakalipas na taon, sumablay playoffs. Pagsapit ng Commissioner’s Cup, sumalto sa quarterfinals, saka nakabawi sa Governors Cup, sinementuhan ang pagiging contender nang makarating sa finals. No. 2 sila sa eliminations, hindi inaksaya ang twice-to-beat sa quarters […]
-
Kaya deserving na maging ‘Miss Universe-Asia’: CHELSEA, nakuha ang highest score sa Asian countries sa preliminary round
NAGBIGAY ng ng statement si Anne Jakrajutatip, ang founder and CEO ng JKN Global Group, na current owner ng Miss Universe, tungkol sa himutok ng Thai pageant fans. Kinu-question kasi nila kung bakit ang pambato ng Pilipinas na Chelsea Manalo sa katatapos lang na 73rd Miss Universe na ginanap sa Mexico City, ang nakakuha […]
-
Disbarment kontra Bise Sara, inihain
NAGHAIN na ng disbarment case ngayong umaga sa Korte Suprema si Sec.Larry Gadon ng Office of the Presidential Adviser on Poverty Alleviation laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio. Sa kanyang paghahain ng reklamong disbarment na may kinalaman sa pagmumura at pagbabanta ni VP Sara laban kina Pang. Bongbong Marcos Jr, First Lady Liza […]