• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, inilawan ang LED Christmas Tree

LUNGSOD NG MALOLOS – Isang mas maliwanag na panahon ng Kapaskuhan ang naghihintay sa mga Bulakenyo dahil sa nakatakdang pag-iilaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Christmas Tree na puno ng Light Emitting Diodes (LED) kahapon Nobyembre 24, alas-6:00 ng gabi sa harap ng gusali ng Kapitolyo dito.

 

 

Tinaguriang “Pag-iilaw ng Krismas Tree at Parada ng Bulacan Christmas Carroza”, pangungunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis Castro ang pag-iilaw ng libu-libong puti, asul at berdeng LED na ilaw na nakabalot sa buong higanteng Christmas Tree.

 

 

Bago isagawa ang pag-iilaw, ginanap ang parada ng Bulacan Christmas Carozzas mula sa Malolos Sports Convention Center hanggang sa Bakuran ng Kapitolyo.

 

 

Gayundin, haharanahin ng Hiyas ng Bulacan Brass Band ng mga Christmas classic na awitin ang mga Bulakenyong dadalo.

 

 

“Damang dama na po natin ang simoy ng Kapaskuhan. At dito sa Kapitolyo, opisyal nang sisimulan ang Paskong Bulacan sa pamamagitan ng pag-iilaw ng ating Christmas Tree bukas na hudyat na papalapit na ang ating muling paggunita sa pagsilang ng ating Dakilang Tagapagligtas. Sana po ay makiisa kayo at inyong saksihan ang taunang gawain nating ito,” anang gobernador. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • PBBM saludo, pinuri ang tropa ng pamahalaan sa Mindanao para sa paghina ng Abu Sayyaf

    PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tropa ng pamahalaan sa Mindanao para sa matagumpay na pagpapahina sa banta na bitbit ng Abu Sayyaf Group (ASG) at iba pang kaaway ng estado sa lalawigan.     Kasabay nito, nanawagan ang Pangulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag maging kampante dahil hindi […]

  • PBBM ibinahagi ang mga tagumpay sa kaniyang pagbisita sa Japan

    IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tagumpay ng kanyang pagbisita sa Japan at iniulat na mabilis na madarama ng mga Pilipino ang mga resulta nito.     Nasa 35 na kasunduan ang nilagdaan ni PBBM at kanyang delegasyon kasama ang Japanese government at private sector.     Bukod pa rito, nagsilbing pagkakataon […]

  • DOT, tinitingnan ang ‘direct flights’ mula Brunei capital patungong Cebu, Clark

    TINITINGNAN ng Department of Tourism (DOT) na magkaroon ng direct flights mula Bandar Seri Begawan patungo sa ibang lugar sa Pilipinas at hindi lamang sa kabisera nito na Maynila.     Sa sidelines ng Philippine Business Forum sa Berkshire Hall, Royal Brunei Polo and Riding Club, sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco na pinag-aaralan ng […]