• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taripa sa electric vehicles, parts, babawasan

APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tapyasan  ang taripa sa electric vehicles (EVs) para mapasigla ang demand sa gitna ng mataas na presyo ng langis.

 

 

Ito ang naging desisyon ng National Economic Development Authority (Neda) board,  kung saan si Pangulong Marcos ang tumatayong chairman.

 

 

Sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, inendorso ng Neda Board ang isang executive order na  naglalayong  baguhin ang  tariff rates sa  e-vehicles gaya ng  pampasaherong sasakyan, buses, mini-buses, vans, trucks, motorsiklo, tricycles, scooters, bisikleta, at iba pa.

 

 

Nakasaad sa  executive order,  ani Balisacan,  na babawasan ng hanggang  0% ang “most favored nation tariff (MFN) sa EVs gaya ng pampasaherong sasakyan, buses, vans, trucks, motorsiklo, at bisikleta, at mga parts nito sa loob ng  limang taon.

 

 

Ang kasalukuyang import duties ay 5% hanggang 30%.

 

 

Mula sa 5 %, nais ng NEDA board na ibaba sa 1% na  lamang ang taripa sa mga piyesa ng mga de kuryenteng sasakyan sa loob ng limang taon.

 

 

“The EO aims to expand market sources and encourage consumers to consider acquiring e-vehicles, improve energy security by reducing dependence on imported fuel, and promote the growth of the domestic e-vehicle industry ecosystem,” ayon kay Balisacan.

 

 

Layunin aniya ng EO na mahikayat ang mga motorist ana tangkilin ang mga de kuryenteng sasakyan.

 

 

“We want to encourage the adoption and the use of e-vehicles because that will address pollution issues and adaptation to climate change. We believe that’s the future,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang tariff rates  aniya ay susuriin  matapos ang isang taon para i-assess  ang epekto nito sa e-vehicle industry sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Price cap sa bigas, ‘going as well as we can expect’- PBBM

    SINABI ni Pangulong  Ferdinand Marcos, Jr. na “going as well as we can expect” ang ipinataw  niya  na  price ceiling  sa bigas.     Sa katunayan, unti-unti ng nakapag-adjust ang mga retailers sa price cap,  iyon ay kahit pa may ilan ang pansamantalang itinigil ang pagbebenta ng bigas para maiwasana ng pagkalugi.     “We […]

  • Alert Level 2 sa NCR, malabo pa – DOH

    MASYADO pa umanong maaga para sabihin na maari nang ibaba sa Alert Level 2 mula sa Alert Le­vel 3 sa pagpasok ng Pebrero ang National Capital Region (NCR).     Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ‘peak’ ng mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ay inaasahan sa pagtatapos ng Enero o […]

  • 2 HOLDAPER NA TIRADOR NG GASOLINAHAN, TIMBOG SA CALOOCAN

    DALAWANG batang miyembro ng robbery holdup group na bumibiktima sa mga gasoline station ang nasakote ng mga awtoridad matapos ang isang habulan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) head Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong mga suspek na sina Saipoden Agal, 23 […]