May badyet bago matapos ang taon – Speaker Romualdez
- Published on November 26, 2022
- by @peoplesbalita
SINIGURO ni Speaker Martin Romualdez ngayong Biyernes kay Presidente Bongbong Marcos at sa buong bansa na magkakaroon ng “Agenda for Prosperity national budget” bago matapos ang taon.
Ang paniniguro ay ginawa ni Romualdez kasunod na rin nang pagsisimula ng kamara at senado para mapagtugma ang kani-kanilang bersiyon ng panukalang P5.268-trilyong 2023 budget sa bicameral conference committee (bicam).
Sina Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations, at Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, ang siyang nanguna sa bicam panel.
Kapwa naipasa ng kamara at senado ang kani-kanilang bersyon ng panukalang 2023 budget.
Ayon kay Romualdez, may sapat na panahon pa ang dalawang kapulungan para magkaroon ng pinal na bersyon ng budget bago magsimula ang kanilang Christmas recess sa Disyembre 17.
“We have sufficient time, we will finally approve the budget before yearend. It is the most important tool in accomplishing the objectives of the President’s Agenda for Prosperity and his eight-point socio-economic development plan,” paniniguro ni Romualdez.
Umaasa ito na sa pamamagitan ng 2023 budget ay masusustena o mapapabilis ng pamahalaan ang paglago ng ekonomiya ng bansa. (Ara Romero)
-
P139K shabu nasabat sa Navotas buy bust, 4 kalaboso
MAHIGIT P.1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babae matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City. Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement […]
-
Higit 2K Navoteños, nakinabang sa Lab For All caravan
MAHIGIT 2,000 Navoteños ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal at pangangalagang pangkalusugan sa LAB For ALL: Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat caravan sa Navotas nitong Martes. Ang LAB for ALL, isang inisyatiba na pinangunahan ni First Lady Louise Araneta-Marcos na naglalayong magbigay ng accessible at komprehensibong pangangalagang pangkalusugan at iba pang serbisyo ng […]
-
Pinas, dapat maging handa sa gitna ng mga napaulat na external threats-PBBM
DAPAT na maging handa ang Pilipinas sa gitna ng napaulat na external threats bilang resulta ng umiigting na geopolitical tension sa Indo-Pacific. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng 5th ID ng Philippine Army sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela, ang distansiya ng Pilipinas sa Taiwan ang […]