Nat’l Privacy Commission, nagbabala laban sa pagsasamantala sa mga kabataan
- Published on November 28, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang National Privacy Commission (NPC) laban sa mga “online abuse at exploitation” na target ang mga kabataan sa isinagawang Youth Privacy Advocates Annual Summit.
“Hihimukin nila na magbigay ka ng personal na impormasyon, gagawing ka-close yung mga bata. Ige-gain nila yung trust nung mga nakakausap nilang bata,” ayon kay Public Information and Assistance division of the commission chief Roren Marie Chin.
“Pwedeng mag-start nang manghingi ng mga pictures. Pwedeng explicit na mga pictures ito. Kumpletong address, ang mga contaact information, or hingan din ng mga credit card numbers yung bata,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, batay sa survey na isinagawa ng End Child Prostitution and Trafficking, Interpol, at UNICEF, tinatayang nasa dalawang milyong kabataan ang naging biktima ng online sexual exploitation at pang-aabuso noong nakaraang taon.
Natuklasan din sa pag-aaral na 20% ng internet users sa Pilipinas na may edad na 12-17 ay nakaranas ng pang-aabuso sa online.
“Syempre natatakot din ako kasi baka mamaya dun siya pumunta sa ibang site na ano. Kaya minsan nililimit ko rin yung kanyang— ‘wag siyang mag-open. Alam niya ‘yung limitasyon niya don. Sinabi ko sakanya talaga yon,” ang naging pahayag naman ni Zenaida Ramos-Sarita, isang magulang.
Dahil dito, pinayuhan ng NPC ang mga kabataan na umiwas na makipag-usap sa mga “strangers” sa internet.
Hindi dapat na nagbibigay ang mga ito ng kanilang personal information at limitahan lamang dapat aniya ang pagbisita sa websites upang sa gayon ay hindi sila mabiktima ng online abuse. (Daris Jose)
-
882,861 katao naapektuhan ni Carina, habagat – NDRRMC
PUMALO na sa 183,464 pamilya o kabuuang 882,861 katao ang apektado ng pinagsamang southwest monsoon o habagat, bagyong Carina at dating tropical depression Butchoy. Ayon sa report nitong Miyerkules ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ariel Nepomuceno, ang mga apektadong pamilya ay mula sa 686 Barangays […]
-
Maynila, ginawaran ng ‘Excellence in Digital Public Service Award’
TUMANGGAP ng “Excellence in Digital Public Service” ng Gcash sa katatapos na Digital Excellence Awards ang Lungsod ng Maynila sa patuloy na pag-ani ng iba’t ibang anyo ng pagkilala sa ilalim ng pangangasiwa ni Mayor Honey Lacuna. Sinabi ni Lacuna na kinilala ng digital wallet service provider ang napakalaking pagtaas ng mga online […]
-
Matapos na aminin ni GERALD ang kanilang relasyon: JULIA, ipinagsigawan na kung gaano kamahal at proud sa bf
AFTER na aminin ni Gerald Anderson ang relasyon nila ni Julia Barretto sa exclusive interview ni Kuya Boy Abunda, marami nga ang naghihintay sa ipo-post ng anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto. Noong Linggo, March 7, birthday ni Gerald, ang masasabing first public appearance nila kung saan namigay sila ng ayuda sa […]