• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuluy-tuloy na mutation ng COVID-19, asahan – DOH

ASAHAN na umano ng mga Pilipino na magtutuluy-tuloy ang mutasyon at pagsulpot ng iba’t ibang lineage ng COVID-19 sa mga darating pang panahon at kailangang matutunan ng lahat na mabuhay kasama nito ng may iba­yong pag-iingat sa kanilang kalusugan.

 

 

Ito ay makaraan na matukoy muli na nasa Pilipinas na ang Omicron subvariant BQ.1 na sinasabing nagdudulot ng panibagong pagtaas ng mga kaso sa Estados Unidos at sa ibang panig ng Europa.

 

 

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na natural na susulpot ang mga bagong variants kung magtutuluy-tuloy ang transmisyon nito at ang pinakamabisang dapat gawin ng lahat ay ang limitahan ang pagkalat nito sa pagpapalakas ng proteksyon ng mga sarili at mga establisimi­yento.

 

 

Idinagdag pa ni Vergeire na dapat maintindihan na ng publiko ang uri o abilidad ng virus at huwag umasa na lamang sa pagsasawalang-bahala kung mahahawa o hindi kapag bumababa ang kaso.

 

 

Muli niyang tiniyak na nananatili sa “low risk” ang healthcare utilization sa bansa sa kabila ng bagong subvariant at palaging handa kung sakaling may malaking pagtaas sa mga bagong kaso.

 

 

Sa ngayon, nananatili naman umano na epektibo ang hawak na bakuna ng pamahalaan laban sa severe cases. Pero patuloy na nananawagan ang DOH sa mga Pilipino na palakasin pang lalo ang kanilang panlaban sa virus sa pagpapabakuna o pagpapa-booster na dahil sa patuloy ang pagsulpot ng iba’t ibang mga variants.

Other News
  • Inflation rate umariba sa 6.4% nitong Hulyo

    NANANATILING mabilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin nitong nakaraang buwan, ito kasabay ng pagtaas ng self-rated poverty ng mga Pilipino sa survey ng Social Weather Stations (SWS).     “The Philippine’s annual headline inflation continued its uptrend as it moved up further to 6.4 percent in July 2022, from 6.1 percent in June […]

  • They are watching. Supernatural horror directed by Ishana Night Shyamalan “The Watchers” unveils trailer

    Exciting new filmmaker Ishana Night Shyamalan conjures up horror in her feature directorial debut The Watchers, starring Dakota Fanning, Georgina Campbell, and Olwen Fouérém, based on the novel of the same name by A.M. Shine. Trapped in an untouched forest in western Ireland, Mina (Dakota Fanning) finds shelter alongside strangers, but something else finds them […]

  • EDITORIAL P100 per day na wage hike sa Metro Manila inihain ng grupo ng mga manggagawa

    NAGHAIN ng petisyon ang mga labor groups para sa P100 arawang dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB).     Ang workers’ organizations ay pinangungunahan ng Kapatiran ng mga Unyon at Samahang Manggagawa.     Sinabi ni Kapatiran chairman Rey Almendras na inihain nila ang […]