• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phoenix Suns, sumandal kay Deandre Ayton para pahiyain ang Utah Jazz

Bumida si Deandre Ayton ang panalo ng Phoenix Suns laban sa Utah Jazz.

 

Kumamada si Ayton ng 29 points at 21 rebounds para pangunahan ang panalo ng Phoenix Suns kontra Utah Jazz, 113-112.

 

Sa kanilang home victory nakarami si Ayton ng steal sa final minute at gumawa ng 11 sa 19 field goals.

 

Nakapagtala rin ito ng tatlong assists at naka-block ng dalawang shots.

 

Dahil dito, naitala rin ng Suns ang kanilang dalawang magkasunod na panalo.

 

Dinagdagan naman ni Devin Booker ng 27 points ang panalo ng Suns.

 

Nasayang ang 22 points ni Jordan Clarkson at ang 20 puntos ni Collin Sexton.

 

Tinalo ng Suns ang Jazz ng walong beses sa 10 huling paghaharap ng mga ito. (CARD)

Other News
  • Ilang kaibigang medical workers ni Sec. Roque, naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19

    KUMBINSIDO ang Malakanyang na kailangan na mabakunahan na ang lahat ng mga Filipino laban sa Covid-19.   Ito’y kasunod ng naibahaging balita ng isang kaibigan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa medical field at sumalang na sa vaccination program ng pamahalaan.   Aniya, nakatanggap siya ng text kamakailan mula kay Dra. Menguita Padilla na […]

  • PDU30, inaming talagang tinira ang ABS-CBN

    INAMIN ni  outgoing President Rodrigo Roa Duterte na talagang tinira nito ang ABS-CBN at sinabihan ang mga miyembro ng Kongreso na nakikipag-deal sila sa isang  “mandaraya.”     “Tinira ko talaga sila,” ayon kay Pangulong Duterte.     “I used the presidential powers to tell Congress that you are dealing with scoundrels and if you […]

  • Mamamayan, hinimok ng CBCP-ECHC na magpa-booster laban sa COVID 19

    HINIKAYAT ng opisyal ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang publiko na suportahan ang inisyatibo para sa muling pagpapaturok ng Covid19 vaccine.     Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Dan Cancino MI,  Executive Secretary ng komisyon kaugnay sa panawagan ng Department of Health na magpa-2nd dose na ang mamamayang Filipino lalo na ang […]