Angelo Nicolas Almendras, NU Bulldogs lumapit sa walis-titulo
- Published on November 29, 2022
- by @peoplesbalita
UMANGAS si Angelo Nicolas ‘Nico’ Almendras upang akbayan ang National University sa 25-19, 25-21, 25-19 panalo kontra University of Santo Tomas sa Game 1 best-of-three finals ng 14th V-League 2022 Men’s Collegiate Challenge Linggo ng hapon sa Paco Arena sa Maynila.
Tumikada si Almendras ng 13 points kasama ang 14 excellent receptions para isampa ang Bulldogs sa 1-0 lead ng torneo na pinatatakbo ng Sports Vision at mga suportado ng Asics, Beyond Active Wear at Mikasa.
Nag-ambag pa sina Michaelo Buddin at Kennry Malinis ng tig-11 puntos para sa Bustillos-based squad na lumapit sa pagwali sa kampeonato.
“Maganda ang pinakita ng mga bata namin. Kita naman sa endgame, nakuha namin ang mga gusto naming mangyari like yung blocking, opensa namin, lahat nagtutuloy-tuloy,” suma ni Bulldogs coach Dante Alinsunurin.
Kumana sina Jay Rack Dela Noche at Ybañez ng tig 10 pts. para sa Tiger Spikers pero nakapagpakawala ng 27 errors ang kampo.
Kumana naman ng walong puntos si Gboy De Vega para sa balibolista ng España na kailangan manalo sa Game 2 para makahirit ng winer-take-all.
“Importante agresibo kami. Pagtatrabahuhan pa rin namin sa practice at tuloy tuloy pa rin ang ginagawa namin,” sey pa ni Alinsurin.
Sa Miyerkoles ng alas-2:00 ng hapon ang Game 2. (CARD)
-
Dahil sa work kaya sila nagkahiwalay: ASHLEY, nahirapang maka-move on sa breakup nila ni Mayor MARK
HINDI ipinagkaila ng Sparkle 10 star na si Ashley Ortega na nahirapan siyang maka-move on sa naging breakup nila ng ex-boyfriend na si Lucena City Mayor Mark Alcala. Pero marami naman daw natutunan si Ashley sa breakup na iyon. Mas natutunan daw niyang mahalin ang sarili niya. “Aaminin ko […]
-
PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa DOTr, LTO
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO). Sa katunayan, sa Facebook post, araw ng Lunes, inanunsyo ng DOTr ang pagtatalaga kina Horatio Enrico Bona bilang LTO Executive Director; Leonel Cray De Velez bilang DOTr Assistant Secretary for Planning and […]
-
‘Di talaga bet ang beauty pageant kahit kinukulit: JANINE, happy na nakapag-Venice International Film Fest tulad ni NORA
MAY na-encounter na Hollywood o international celebrity sa pagdalo ni Janine Gutierrez sa 81st Venice International Film Festival kamakailan. Para ito sa exhibition ng pelikula niyang ‘Phantosmia’ na dinirehe ni Lav Diaz na apat na oras at labinglimang minuto ang haba. “Actually ang talagang kinausap ko lang si Taylor Russell,” ang bulalas ng […]