• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE nagpaalala: 13th month ibigay bago ika-24 ng Disyembre

NAGLABAS  na ng guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) pagdating sa 13th month pay ng mga empleyado, bagay na dapat mabayaran ng employers hanggang bisperas ng Pasko.

 

 

Ito ang muling idiniin ng kagawaran, Lunes, sa kalalabas lang nilang DOLE Labor Advisory No. 23, Series of 2022.

 

 

“The 13th month pay shall be paid on or before December 24, 2022,” wika ng DOLE sa kanilang advisory.

 

 

“No request or application for exemption from payment of 13th-month pay, or for deferment of the payment thereof shall be accepted and allowed.”

 

 

Ang naturang alituntunin ay inilabas alinsunod sa Article 5 ng Labor Code of the Philiine at Presidential Decree 851 na nag-oobliga sa mga employers ng pribadong sektor na bayaran ng 13th month pay ang kanilang rank-and-file employees.

 

 

Sasaklawin nito ang lahat ng nabanggit anuman ang posisyon o employment status basta’t “nakapagtrabaho ng hindi bababa sa isang buwan ng calendar year.”

 

 

Ibibigay din ito sa rank-and-file employees na:

 

binabayaran sa “piece-rate basis”

 

fixed o guaranteed wage plus comission

 

may multiple employers mga nag-resign o tinanggal

 

nasa maternity leave

 

mga nakakukuha ng salary deferrential

 

Para i-compute ang 13th month, i-add ang kabuuang halaga ng sahod/sweldong nakuha sa buong taon at i-divide ito sa 12 (buwan). Hindi pwedeng bumaba riyan ang 13th month.

 

 

“The minimum amount shall be given without prejudice to existing company practice or policy, employment contract or collective bargaining agreement (CBA) if any.”

 

 

“Compliance with the 13th-month pay shall be enforced b the appropriate DOLE Regional/Field/Provincial Office having jurisdiction over the workplace in accordance with the prescribed rules and regulations.”

 

 

Ngayong buwan lang nang sabihin ng DOLE na inaaral na nila kung maaaring bigyan ng subsidyo ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) para mabayaran nila ng 13th month ang kanilang mga manggawa.

 

 

Taong 2021 lang nang iulat ng kagawarang umabot sa 1,300 kumpanya ang bigong makapagbigay ng naturang benepisyo, na isang paglabag sa batas. (Daris Jose)

Other News
  • BSP nagbabala sa ibinebentang P20 coins sa internet

    NAGPAALALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na kailanman ay hindi sila nag-isyu nang tinatawag na Brilliant Uncirculated P20 peso coins.   Ginawa ng BSP ang paalala dahil na rin sa pagkalat sa internet o online seller na nag-aanunsiyo sa ibinebentang Brilliant Uncirculated P20 peso coins.   Ayon sa BSP ang P20-peso new […]

  • 30 kompanya, pasok sa loan program ng DTI para sa 13th month pay

    Aabot na sa 30 ang naaprubahang application sa loan program ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa 13th month pay ng mga empleyado.     Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nasa P500 million ang inilaan ng kanilang kagawaran para sa loan program na ito.     Ang naturang halaga ay kayang makapagpautang […]

  • Setyembre ng bawat taon, deklaradong ‘Bamboo Month’

    IDINEKLARA  ng Malakanyang na “Philippine Bamboo Month” ang buwan ng Setyembre kada taon base sa  Proclamation No. 1401 na tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes.     Kinikilala ni Pangulong Duterte ang pangangailangan na itanim sa kamalayan ng mga Filipino ang kahalagahan ng  bamboo plant at produkto nito.     “I, Rodrigo […]