PEKENG OPERATION ORDER HUWAG MANIWALA
- Published on December 2, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan hinggil sa isang pekeng operations order na kumakalat sa mga chat group sa internet.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang kumakalat na operation order na may titulong ‘checking overstaying and illegal employment in various entertainment places’ ay hindi inisyu ng BI.
Ang pekeng kautusan na umano’y nag-uutos na inspeksiyunin ang mga entertainment na lugar sa Maynila, kabilang ang mga bars, KTVs, music houses, golf clubs, bowling alleys, internet cafes, amusement parks, casinos, hotels, guest houses, at restaurants apang halughugin ang mga illegal na dayuhan.
“No such order has been issued by the BI,” ani Tansingco. “Our operatives are not authorized to randomly inspect establishments, but instead are required to secure a mission order to conduct an arrest. A mission order is only issued upon thorough investigation and confirmation that the subject foreign national has indeed violated immigration laws,” dagdag pa nito.
Naniniwala si Tansingco na ang pekeng kautusan at ginagamit ng mga sindikato upang takutin ang mga dayuhan at ma-scam sila.
Sinabi ni tansingco na i-report ito sa local enforcement agencies. GENE ADSUARA
-
180K PUV drivers at operators, nakatanggap na ng fuel subsidy- LTFRB
NAKATANGGAP na ang nasa 180,000 benepisyaryo na Public utility vehicle (PUV) drivers at operators ng fuel subsidy mula sa pamahalaan. Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang naturang bilang ay nagpapakita ng 68,18% ng 264,000 PUV drivers at operators na kwalipikado sa naturang programa upang maibsan ang pasanin ng piblic […]
-
120K Caviteños, nakinabang sa P1 bilyong halaga ng programa at serbisyo ng BPSF
UMAABOT sa 120,000 Caviteños ang nakinabang sa may P1 bilyong halaga ng programa at serbisyo ng gobyerno, sa ika-24 na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na idinaos sa Cavite nitong Biyernes at Sabado. Kaugnay nito, tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ipagpapatuloy ng […]
-
Speaker Romualdez pinakakasuhan na sa BOC ang mga smuggler
PINAKAKASUHAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Bureau of Customs (BoC) ang mga rice smuggler, kasama ang kanilang mga kasabwat sa pagpuslit ng libu-libong sako ng bigas na iligal na ipinasok sa mga pantalan sa Mindanao. Ginawa ni Speaker Romualdez ang apela kasabay ng paghahayag ito ng suporta sa naging desisyon ni […]