• February 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Roderick Paulate ‘guilty’ sa graft, falsification of documents kaugnay ng ghost employees

HINATULANG nagkasala ng Seventh Division ng Sandiganbayan ang aktor at dating konsehal ng Quezon City na si Roderick Paulate sa graft at eight counts ng falsification of public documents kaugnay ng pagkuha ng “ghost employees” noong 2010.

 

 

Sinentensyahan ang komedyante ng hanggang walong taong pagkakakulong dahil sa kasong graft at hanggang anim na taong pagkakakulong sa kada count ng falsification offense.

 

 

Kung pagsasama-samahin ang parusa sa kanya, pwede itong pumatak ng mula 10 taon at anim na buwan hanggang 62 taon para sa lahat ng kaso.

 

 

Kasamang na-convict ni Paulate para sa graft charges ang kanyang driver at liason officer na si Vicente Bajamunde.

 

 

Taong 2018 nang maghain si Paulate, na kilala sa kanyang pagganap sa mga pelikula gaya ng “Petrang Kabayo” at noontime show na “Magandang Tanghali Bayan,” ng piyansa para sa mga nabanggit na reklamo. Noong taong ‘yon, gumanap pa siya bilang mayor sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

 

 

Pinatawan naman si “Kuya Dick” ng 90-araw na suspensyon ng Department of the Interior and Local Government noong tumatakbo pa ang kaso. (Daris Jose)

Other News
  • RAMPA Drag Club, bagong venue para sa LGBTQ+ community: Grupo nina ICE at RS, excited sa katuparang maiangat ang drag scene sa ‘Pinas

    SA isang pasabog na media launch na ginanap sa Karma Lounge QC, inilunsad ang pinakabagong entertainment sa Quezon City na talaga namang magbibigay buhay sa entertainment scene ng LGBTQ+ community, ang RAMPA Drag Club. Bigatin at di matatawaran din angmga owners ng Club na ito na pinangunahan ng ay likha ng kilalang LGBT icon, aktor, […]

  • PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Tondo

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga food packs, tulong pinansiyal at medical services sa kaniyang personal na pagbisita sa 2,100 pamilyang na-displace dahil sa sumiklab na sunog sa residential area sa Purok Uno, Islang Puting Bato sa Tondo, Manila noong nakaraang linggo, Nobyembre 24.       Sa mensahe ng Pangulo […]

  • 2 kalaboso sa P137K shabu sa Valenzuela

    DALAWANG drug suspects, kabilang ang isa umanong high value target ang arestado matapos makuhanan ng higit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City.     Sa report ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr., alas-11:20 ng gabi […]