Amendments sa panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA),” Cooperative Banking Act, aprubado
- Published on December 3, 2022
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang diskusyon ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Manila Rep. Irwin Tieng ay inaprubahan nito ang karagdagang amendments sa revised House Bill 6398, o panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA).”
Ang panukala ay una nang inaprubahan noong Martes ng komite kung saan magkakaroon ng independent fund na gatawaging “Maharlika Wealth Fund (MWF).”
Sa ilalim pa ng panukala, ang MWF ay gagamitin para isulong ang fiscal stability para sa economic development at mapalakas ang Government Financial Institutions (GFIs) sa pamamagitan ng karagdagang investment platforms.
Layon din nito na matugunan ang target goals ng pamahalaan na nakasaad sa Agenda for Prosperity ni Pangulong Marcos.
Sa revised version, ang MWF ay kukunin mula sa investible funds ng top GFIs ng bansa, National Government, at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Nagkasundo rin ang panel na magsagawa ng isa pang public consultation sa GFIs at iba pang stakeholders sa Lunes.
Ang HB 6398 ay pangunahing inihain nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, at TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
PAGCOR, PCSO tinintahan ang guidelines para sa pagpopondo sa Universal Health Care
SINABI ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na lumagda ito sa isang joint circular kasama ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ukol sa pagpapatakbo ng kani-kanilang alokasyon para pondohan ang Universal Health Care (UHC). Ang circular, kung saan nakadetalye ang operational guidelines para sa PAGCOR at PCSO para mag-remit ng pondo sa […]
-
PBBM, ipinagbabawal ang paggamit ng wangwang, blinkers sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno
IPINAGBABAWAL na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno ang paggamit ng wangwang at blinkers na itinuturong mga dahilan ng pagkagambala sa trapiko at hindi ligtas sa lansangan at traffic environment. Sa katunayan, nagpalabas ang Pangulo ng Administrative Order No. 18, na nagbabawal sa mga opisyal at […]
-
Sa hirit ni Kris na tila patutsada kay Herbert.. RUFFA, ‘di pinalampas at nag-comment ng ‘be kind to everyone, including your ex’
HINDI pinapalampas ni Ruffa Gutierrez ang tila patutsada ni Kris Aquino sa campaign sortie ni V.P. Leni Robredo sa Tarlac tungkol sa kanyang ex. Ipinagpalagay na agad ng marami na ang tumatakbo sa pagka-Senator na si Herbert Bautista ang pinapatamaan nito sa conversation nila ni Angel Locsin. Minsan nang nagsalita si […]