• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GC, nais ng mga Pilipinong matanggap na regalo sa Pasko

SA MGA Katolikong Kristiyano, ang Pasko ay “celebration of the Savior Jesus Christ”.

 

 

Ito rin ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan.

 

 

Ikaw, anong regalo ang gusto mong matanggap ngayong Christmas?

 

 

Sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) sa 1,200 respondent nationwide na may petsang November 1-30, 2022, mayorya sa mga Filipino ang gustong makatanggap ng “ Gift in Cash” (GC) na regalo ngayong kapaskuhan.

 

 

Lumabas sa VTS na 38-percent ng mga Filipino ang nagnanais na makatanggap ng GC, 32-percent ang “Gift in Kind”, 22-porsiyento naman ang nagsabing cash o kind habang 8-porsiyento ang undecided.

 

 

Inihayag ni VTS head Bro.Clifford Sorita na 39-percent ng babaeng respondents ang nagnanais na makatanggap ng cash gifts habang 37-percent sa mga lalaki.

 

 

Nilinaw naman ni Fr.Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas na hindi mahalaga kung cash o gift in kind ang matatanggap natin ngayong Christmas.

 

 

Ayon kay Fr.Pascual, ang mahalaga sa pagbibigay ng regalo ay pagmamahal. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Mga taga- NCR dumagsa sa mga pampublikong pasyalan at mall, parang nakawala sa hawla –MMDA

    ITINURING  ni  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr. ang mga tao sa National Capital Region (NCR) na parang nakawala sa hawla sa unang linggo ng alert level 3 sa Metro Manila.     Dumagsa kasi ang mga tao sa ilang pampublikong lugar at mga pasyalan gaya sa Manila bay.     Ani Abalos, nalito […]

  • House painter kulong sa P115K droga sa Caloocan

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 48-amyos na house painter na sangkot umano sa ilegal ba droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si alyas “Remuel”, ng Ph8ABlk 171  Lot 3 Pkg 12, Bagong Silang. […]

  • Hindi lahat ng pulis ay bugok gaya ni Nuezca – Malakanyang

    Hindi lahat ng pulis ay bugok kagaya ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca. Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng brutal na pagbaril in point blank ni Nuezca sa walang kalaban- laban na mag-inang sina Sonya Rufino Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Rufino Gregorio, sa Paniqui, Tarlac sa gitna […]