• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Due to insistent public demand: Bonding ng dalawang Sanchez sa ‘Korina Interviews’, muling natunghayan

ULING natunghayan ang kasiyahan at insightful moments ng exclusive one-on-one interview ni Korina Sanchez-Roxas sa award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa Korina Interviews kahapon (Linggo, Disyembre 4) sa NET 25.

 

 

Due to insistent public demand, kaya muling ipinalabas ng Korina Interviews ang talaga namang pinag-usapan na episode kasama ang veteran dramatic actress na kinunan on location sa beach house nina Sylvia.

 

 

Malakas ang traction ng interview sapagkat isiniwalat ni Sylvia ang istroya ng kanyang buhay at pati na rin ang ilang mga juicy bits ukol sa kanyang mga anak na sina QCD1 Representative Arjo Atayde at young dramatic actress na si Ria Atayde.

 

 

Pahayag ni Korina, “Napapanood natin si Sylvia with the most grueling roles that only she can deliver. Madalas bilang mahirap na nanay, labandera, may problema sa isip, madungis… but people have to see Sylvia’s real life.”

 

 

“Pati ako ay namangha sa husay niyang mom to her kids (na ang isa ngayon ay Congressman na). They also have to know she has great taste in interiors of homes, cooks the best food — ay naku!
“She is a sportswoman, grabe sa jetski… and so much more.”

 

 

Muling balikan at panoorin sa tsikahan nina Korina at Sylvia sa Korina Interviews sa YouTube channel ng NET25 at sa Rated Korina.

 

 

***

 

 

THREE years in the making nga ang inaabangan na pagtatambal ng veteran at award-winning actres na na si Ms. Charo Santos-Concio at Kapuso Primetime King at award-winning actor din na si Dingdong Dantes.

 

 

Sa kani-kanilang Instagram nag-post sina Charo at Dingdong ng kanilang photos, kasama si Direk Irene Villamor, manager ni Dingdong si Perry Lansigan, producer ng Star Cinema na si Malou Santos at Spring Films na sina Erickson Raymundo at Jeff Vadillo.

 

 

Caption ng The 5th EDDYS Best Actress (“Kun Maupay It Panahon”), “3 years in the making… #MyJourneyCSC.”
Ang working title nang nakaka-excite na project ay “Love After Love” na isinulat ni Direk Irene.

 

 

Ayon naman sa naging post ng 2019 The EDDYS Best Actor (‘Sid & Aya’), “After years in the making, this script will bring to life… sometime next year.”

 

 

Nagpahayag naman si Charo na dahil matatapos na ngayong Disyembre ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK) pagkatapos ng 31 taon, na umaasang makagawa siya ng mas maraming pelikula at teleserye.

 

 

“Gusto kong gumawa ng pelikula. At saka sana ay may serye na dumating, hindi ba?”

 

 

Super excited din si Direk Irene na kung saan naidirek na niya si Dingdong sa ‘Sid & Aya’, kasama si Anne Curtis. At simpleng, “let’s do this po!” ang caption niya.

 

 

Marami nga ang bumati at pinusuan ang magkakasunod na IG post nila. Malaking pressure ito para sa direktor na makagawa ng makabuluhang pelikula, na kung saan masusubok din ang husay sa pag-arte nina Charo at Dingdong.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Obiena pumayag na makipag-ayos sa PATAFA

    HANDANG makipag-ayos si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) at nais din nitong maging bahagi ng national team.     Sinabi nito na gaya aniya ng naging mungkahi niya noong sa PATAFA na magiging maayos na ang kaniyang magiging liquidation o kapag may mga panibagong pondo itong makuha. […]

  • Final list ng mga kandidato sa 2022 elections, posibleng ilabas sa 2nd week ng December – Comelec

    Kahapon nang sabihin ni Jimenez na kabuuang 91 ang mga petisyon na tatalakayin ng komisyon bago ang final printing ng mga balota sa Disyembre.     Aniya, ang mga petisyon ay kinabibilangan ng mga tatakbo sa pagka-pangulo, bise presidente, senators at partylist representatives.     Samantala, kahit marami raw ang maghahain ng kanilang withdrawal o […]

  • PBBM, nakakuha ng P9.8-billion investment pledges

    TINATAYANG umabot sa  P9.8 billion ang investment na  pledged na nakuha ng Pilipinas sa kamakailan lamang na pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kapwa niya  world leaders at European business officials sa  Commemorative Summit sa pagitan ng  Association of Southeast Asian Nations at European Union (ASEAN-EU) sa Belgium.     Si Pangulong Marcos, kasama […]