Sa bonggang back-to-back episodes ng #SuperAte: Sen. IMEE, ipasisilip ang mga natunghayan sa pagbisita sa French capital
- Published on December 9, 2022
- by @peoplesbalita
Una, binisita ni Sen. Imee ang sikat na Pére Lachaise Cemetery, na libingan ng ilan sa mga greatest thinkers at artists ng mundo na ang ambag sa siyensya, pulitika, at sining na talaga namang naka-impluwensya sa Pilipinas.
Doon ay ginawa ng Ilocana lawmaker ang ‘atang’ na isang Ilokanong ritwal ng food offering upang mapalayas ang masasamang espiritu. Nagbigay din siya ng alay para sa mga yumaong icons na nakalibing sa Pére Lachaise.
Binisita rin ng Senadora ang mga puntod ng Italian composer na si Giochino Antonio Rossini na kilala para sa kanyang operas at chamber music; ang architect na si Georges-Eugéne Haussmann na ama ng urban planning; ang French romantic artist na si Eugéne Delacroix; ang French novelist na si Honoré de Balzac na isa sa mga paboritong literary writers ng dating Pangulong si Ferdinand Marcos Sr.; ang French painter na si Théodore Gericault; ang American singer na si Jim Morrison; ang French playwright na si Moliére; at ang Irish playwright at poet na si Oscar Wilde.
Nagbigay din ang budget-conscious na Dakilang Ilokana ng tips kung paano i-enjoy ang City Of Lights ng hindi masyadong gumagastos at sa kanyang pag-ikot sa pinaka-murang vintage shops at budget-friendly restaurants at cafés ng Paris at pati na rin ang magagandang landmarks nito.
Tunghayan ang kagandahan ng Paris sa France sa pamamagitan ng mga nasaksihan ni Sen. Imee Marcos ngayong weekend at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/cImeeMarcosOfficial/featured
-
56 nasawi sa stampede sa isang football match sa Guinea
AABOT sa 56 katao ang nasawi matapos ang naganap na stampede sa isang football match sa N’Zerekore City , Guinea. Base sa mga otoridad na nagsimula ang kaguluhan sa pagitan ng mga fans. Mas lalo pang lumala ang kaguluhan ng palabasin ang isang manlalaro matapos ang laro. Ang nasabing […]
-
SUSPEK SA PAGPATAY SA MAG-INA SA VALENZUELA, SINAMPAHAN NA NG KASO
DALAWANG bilang na kasong murder ang isinampa ng pulisya sa pangunahing suspek na pumaslang sa 6-taong batang lalaking may kapansanan at kanyang 43-anyos na ina kamakailan sa Valenzuela City. Siniguro ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na matatag at tatayo sa hukuman ang kasong isinampa nila laban kay Michael Francisco, 41 ng […]
-
Kaso ng pertussis, tigdas lumobo – DOH
HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna matapos ang biglang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng pertussis o ubong dalahit at measles o tigdas sa bansa. Sa datos ng DOH, sa unang 10-linggo ng nakalipas na mga taon ay mababa lamang ang naitatalang mga kaso ng pertussis. […]