• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, winelcome ang 2 bagong ATAK helicopters; nangako na mabilis na iaarangkada ang PAF modernization

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Air Force (PAF) sa hangarin nitong  matupad ang vision nito na maging  world-class.

 

 

Pinangunahan ng Chief Executive ang ceremonial blessing ng dalawang bagong T129 ATAK helicopters sa Malakanyang.

 

 

Umaasa naman ang Pangulo na ang modernization goal ay magiging daan para mapalakas ang defense capabilities ng tuloy-tuloy, magampanan ang tungkulin nito ng epektibo at protektahan ang bansa na may puwersa at taas-noo.

 

 

Sa pagbati sa PAF para sa pagbili  ng bagong air assets, inaasahan ni Pangulong  Marcos na ang kamakailan lamang na nakuhang  state-of-the-art helicopters ay magiging daan para ma-improve ang “operational readiness at  responsiveness” ng Air Force at bigyang kapangyarihan ito para matupad ang mandato sa bansa at sa mamamayan.

 

 

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang naging ambag ng gobyerno ng Turkiye at Turkish Aerospace Industries dahil sa pagiging “reliable partners” ng Philippine government na gawing makabago ang air force ng bansa.

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan din naman ng Punong Ehekutibo ang  PAF at  Armed Forces of the Philippines para sa kanilang “invaluable contribution , external defense, internal security operations, at maging  disaster relief at  response operations” sa bansa.

 

 

Buwan ng Marso nang matanggap  ng Philippine Air Force ang dalawang units ng T-129 ATAK helicopters mula sa Turkey.

 

 

Ayon sa Turkish Aerospace Industries, ang T-129 ay isang twin-engine, tandem seat, multi-role, all-weather attack helicopter na ibinase sa Agusta A129 Mangusta platform at idinisenyo para sa advanced attack at reconnaissance mission sa ‘hot and high environments’ at ‘rough geography’ na maaring gamitin mapa-araw man o gabi.

 

 

Bahagi ito ng 6 na ATAK helicopters na binili ng Pilipino sa Turkey sa halagang P12.9-billion.

 

 

Ayon kay PAF spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano posibleng magamit ang naturang mga helicopter sa susunod na isa hangang dalawang buwan.

 

 

Ang 15th Strike Wing ng Philippine Air Force ang magpapatakbo ng T-129 helicopters at gagamitin para sa Close Air Support sa mga ground troops at armadong surveillance at reconnaissance. (Daris Jose)

Other News
  • Fans nila, maghihintay kung mapagbibigyan ang wish: SHARON at LORNA, gustong makapag-guest din sa ‘Batang Quiapo’ ni COCO

    MATAGAL na ring magkasama sa work, ang real-life sweethearts na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.     Pero ngayon lamang sila magsisimulang magtrabaho as partners sa upcoming series na “The Write One,” kaya kung excited ang mga RuCa fans, excited din silang dalawa.     “Sanay kasi kaming dalawa, ‘yung  pahinga ng isa’t isa.  […]

  • Gobyerno, patuloy na kakalingain ang mga lubos na nangangailangan-PBBM

    PATULOY na kakalingain ng gobyerno  ang mga kababayan na lubos na nangangailangan.     “Hindi po natin sila pababayaan,” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, araw ng Lunes, Hulyo 25.     Mangunguna  aniya sa pag-aagapay sa  mga […]

  • Target na 200-M COVID-19 vaccinations ng Amerika, naabot na

    Masayang inanunsyo ni United States President Joe Biden na naabot na ng kanyang administrasyon ang target nito na mabakunahan ang 200 milyong Amerikano laban sa coronavirus disease.     Inanunsyo ni Biden na 200 milyong mamamayan na ng Amerika ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa loob lang ng 100 araw nito bilang pinuno.     […]