Nasita sa city ordinance, binata buking sa shabu
- Published on December 13, 2022
- by @peoplesbalita
KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang binata matapos makuhanan ng shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa city ordinace sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela police Sub-Station 2 Commander P/Major Randy Llanderal ang suspek bilang si Christian Santiago, 30, construction worker ng 6111 Lower Tibagan St, Gen. T. De Leon.
Sa isinumiteng report ni PSSG Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-12:45 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng SS2 sa kahabaan ng FJ.E Fama Street, Brgy. Gen. T. De Leon nang makita nila ang suspek na walang suot na damit na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.
Nang lapitan ng mga pulis para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay kumaripas ng takbo ang suspek na naging dahilan upang habulin siya ni PCpl Roland Gicar at Pat Allan Caballero hanggang sa makorner.
Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek ang dalawang small heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 0.2 grams ng hinihinalang shabu na nasa P1,360 ang halaga at isang lighter.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agent of Such Person) at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Pinas, ipinaabot ang imbitasyon sa Japan na sumali sa Balikatan 2025
IPINAABOT ng Pilipinas ang imbitasyon nito sa Japan na magpartisipa sa Balikatan military exercises sa susunod na taon sa pagitan ng mga military ng Pilipinas at Estados Unidos. Sinabi ni Col Michael Logico, tagapagsalita para sa 2024 Balikatan Exercises, na nagpahayag ng interest ang Japan na sumali sa annual joint exercises mula pa […]
-
P8.51B SPORTS FACILITIES PROJECT SA SEA GAMES, PINAIMBESTIGAHAN NI DE LIMA
PINAIMBESTIGAHAN ni Senador Leila De Lima ang posibleng iregularidad sa P8.51 bilyong sports facilities project na ginamit ng bansa sa hosting ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games dahil nagdagdag ng gastusin ang pamahalaan. Sa paghahain ng Senate Resolution No. 555, sinabi ni De Lima na kailangan nang imbestigahan ang iregularidad na bumalot sa Joint […]
-
PhilSA, inilabas ang mapa na nagpapakita ng posibleng lawak ng Bataan oil spill
NAGPALABAS ng mapa ang Philippine Space Agency (PhilSA) na nagpapakita ng potensiyal na laki o lawak ng oil spill mula sa tumaob na Philippine-flagged Motor Tanker Terra Nova sa lalawigan ng Bataan. “It includes the tanker’s location as well as a satellite image of the oil leak that was taken at […]