• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinanggap ang movie dahil walang filmfest entry si Vic: JOEY, nagtampo talaga kay TONI nang umalis sa ‘Eat Bulaga’

CONGRATULATIONS sa top-rating GMA Primetime series na “Maria Clara at Ibarra” nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo.  

 

 

Ang serye ang tumanggap ng 1st Gawad Banyuhay Award para sa Programang Pang-edukasyon, held at the Manila Ballroom ng Manila Hotel last Monday, December 12.

 

 

Si Barbie Forteza ang tumanggap ng award mula sa Dr. Carl Balita Foundation.

 

 

Patuloy na umaani ng papuri ang #MCI sa mga eksena at sa mahuhusay na acting ng mga artista.  Isa nga rito iyong magagalit ka sa character ni Tirso Cruz III bilang si Padre Damaso.

 

 

Samantala, sa mas malapit na palang location sa Pampanga at Bulacan sila nagti-taping para maging convenient na sa mga artista ang mga schedules nila.

 

 

Napapanood ang serye gabi-gabi at 8PM, sa GMA-7, after ng “24 Oras.”

 

 

                                                            ***

 

 

NAGING masaya ang presscon ng “My Teacher” nina Joey de Leon at Toni Gonzaga na dinirek ni Paul Soriano.  

 

 

Isang matagal nang issue ang inamin ni Joey, iyong nagalit siya kay Toni nang iwanan nito ang “Eat Bulaga” at lumipat sa ABS-CBN.

 

 

“Baby kasi namin siya, so, medyo nagtampo ako,” sabi ni Joey.

 

 

“Pero wala na ngayon, okey na kami.  Nawala na ang tampo ko sa kanya.”

 

 

May nagtanong kay Joey, mabuti tinanggap niya ang offer ng movie na ipalalabas sa coming Metro Manila Film Festival, simula December 25.

 

 

Nagandahan daw siya sa script at saka nalaman niya na wala palang entry this year si Vic Sotto, hindi raw gumawa ng festival entry ang kaibigan, kaya pumayag siyang gawin ang movie with Toni.

 

 

Pero inamin niya na maraming offers sa kanyang muling umarte, pero ikinakatwiran niya na hindi na siya gumagawa ng movie, semi-retired na siya.

 

 

“Pero nagustuhan ko nga ang story ni direk Paul, kaya sila ang pinili ko.  Nagustuhan ko rin ang mga kasama ko sa cast, isa na rito si Carmi Martin.”

 

 

***

 

 

TAMA, at siguradong tama na ang hula ng mga netizens na si Boy Abunda nga ang dating Kapuso na magbabalik sa GMA Network.

 

 

Given na ang teaser na inilabas ng GMA na: “Andito na BA?  Totoo na BA?”  Capital letters ang BA na simula ng pangalan ni Boy Abunda!

 

 

“Malapit na natin siyang makilala!  Abangan nyo na lang dito sa GMA Network soon!”

 

 

Hintayin na lamang kung kailan lilipat si Boy Abunda at pipirma muli siya ng kontrata sa GMA Network.

 

 

                                                            ***

 

 

MAY bagong YouTube channel ang GMA Public Affairs at ngayong Kapaskuhan, inihahandog nila ang mga Christmas series na magpapaantig sa inyong mga puso, ang “Pinoy Christmas in Our Hearts.”

 

 

Para sa YouTube exclusive na ito, magkakasama sina Jessica Soho, ang content creator na si Ninong Ry, si Bb. Pilipinas 1st Runner Up Herlene ‘Hipon’ Budol at ang socialite vlogger na si Small Laude. 

 

 

Napapanood na ito ngayon sa GMA Public Affairs YouTube Channel!

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • DAYUHAN NA MAY EMPLOYEER SA BANSA, PAPAYAGAN NA

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga dayuhan na kasalukuyang nasa kanilang bansa na tinanggap na magtrabaho dito sa Pilipinas ng kanilang employeer ay papayagan nang mag-pre-apply ng kanilang work visa bago pumasok ng bansa.   Ito ang sinabi ni  Immigration Commissioner Jaime Morente kung saan nag-isyu siya ng operation order na […]

  • UNLIKELY FRIENDSHIPS, UNEXPECTED FATES IN “A MAN CALLED OTTO”

    FROM Marc Forster, director of Oscar-nominated films (Finding Neverland, The Kite Runner) and blockbuster movies (Quantum of Solace, World War Z) comes the inspiring tale, A Man Called Otto starring Tom Hanks.     [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/tCsSuaVsMIw]     Based on the # 1 New York Times bestseller A Man Called Ove, A Man Called Otto tells the […]

  • Bayad ng take-off, landing, parking fees suspendido muna vs COVID-19 – DOTr

    INUTUSAN ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA) na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng take-off, landing, at parkingfees ng mga local airlines dahil sa nararanasang COVID-19.   “We are in a situation that is not of our own liking nor […]