• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maharlika Investment Fund bill nais pasertipikahang ‘urgent’ kay PBBM

NAIS  ni House ­Speaker Martin Romualdez na sertipikahang urgent ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

 

 

Ayon kay Romualdez, kung siya ang tatanungin ay mas mainam na masertipikahang urgent ang MIF upang agad rin itong mapagtibay sa Kongreso.

 

 

Inihayag ni Romualdez na patuloy na dumarami sa kanilang mga kasamahang mambabatas sa Kongreso ang sumusuporta sa nasabing panukala na aabot na sa 216 solons.

 

 

Aniya, mas magandang oportunidad na maipasa ng Kongreso ang MIF upang matalakay at maibida na ni Pangulong Marcos sa nakatakdang pagdalo nito sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland sa Enero 2023.

 

 

Ibinahagi pa ni Romualdez na sa kanyang pakikipagpulong sa mga banyaga sa sektor ng Finance at Deve­lopment ay nasasabik ang mga ito sa planong sovereign wealth fund na ayon sa mga ito ay dapat matagal ng ginawa ng bansa.

Other News
  • 2,000 ESTUDYANTE NG UDM, NAKATANGGAP NG TIG-P5K TULONG PINANSIYAL

    NASA 2,000 estudyante sa kolehiyo ang nakatanggap ng maagang “Pamasko”  makaraang maghatid ng P10 milyon halaga ng educational assistance si Senadora Imee R. Marcos sa Universidad de Manila nitong Biyernes, Disyembre 15.     Sinalubong ng kapatid ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Liga ng mga Barangay President Konsehala Lei Lacuna si Senadora Imee pagdating […]

  • 59 schools na napili sa face-to-face classes tinukoy na ng DepEd

    Pormal nang inanunsiyo ngayon ng Department of Education (DepEd) ang inisyal na pagpili sa 59 na pampublikong mga paaralan sa bansa para sa gagawing face-to-face classes.     Ang naturang bilang ay mula sa 638 na nominadong mga paaralan matapos makapasa sa granular risk assessment ng Department of Health (DOH).     Paliwanag ng DepEd, […]

  • Epic Conclusion in ‘Jurassic World Dominion’ Blurs Line Between Prey & Predator

    THIS year’s highly anticipated big-screen event, Jurassic World Dominion, takes the audience to a world where dinosaurs live and hunt alongside humans all over the world.     Reshaping the future that will determine once and for all, whether human beings are to remain the apex predators, the film is about to break the fragile […]