PBBM, nakakuha ng P9.8-billion investment pledges
- Published on December 17, 2022
- by @peoplesbalita
TINATAYANG umabot sa P9.8 billion ang investment na pledged na nakuha ng Pilipinas sa kamakailan lamang na pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kapwa niya world leaders at European business officials sa Commemorative Summit sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations at European Union (ASEAN-EU) sa Belgium.
Si Pangulong Marcos, kasama ang Philippine delegation ay dumating na sa bansa ng alas- 6:59 ng Huwebes ng gabi, Disyembre 15 mula sa five-day trip nito.
Sa arrival speech ng Pangulo, sinabi nito na ang business roundtable ay nagsilbi bilang “important catalyst for the renewed relations” ng Pilipinas at European business communities.
Kasama ng Pangulo ang mga economic managers at Cabinet members nang ianunsyo niya ang kamakailan lamang na “game changing laws” na naglalayong i- transform ang business environment at suportahan ang inward foreign direct investments.
“I am also pleased to announce that European business confidence in the Philippines is high as evidenced by the expansion plans of European companies that we met in the sectors of fast moving consumer goods, ship building, renewable energy, and green metals,” ayon sa Pangulo.
“An estimated investment pledged of around P9.8 billion has been received,” dagdag na pahayag nito.
Ibinalita rin ng Pangulo na nakipagpulong siya sa ilang business leaders mula sa iba’t ibang European companies na nangako na magiging bahagi ng “Philippines’ development in the economic growth particularly in renewable energy, infrastructure, food security, and climate change initiatives.”
“With European technology and innovation with Filipino talent and ingenuity and industry we will be working in addressing some of our key economic challenges,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Nakipagpulong din si Pangulong Marcos sa iba’t ibang leading ship owners sa Europa.
Wika ng Pangulo, nangako ang mga ito na tutulungan ang bansa na sumunod sa European Maritime Safety Agency (EMSA) standards matapos na mapuna ng European Union ang kakulangan ng Pilipinas sa local seafarer training at edukasyon
Nauna nang ipinag-utos ng Chief Executive ang paglikha ng advisory board na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa government agencies, international shipowners, at iba pang stakeholders para tugunan ang deployment concerns ng mga Filipino seafarers.
“Beyond that I was also able to meet with EU commission president Ursula von der Leyen. I explained to her what we have done that we have this new advisory council and she made a promise that the commission itself will provide technical help to us so that within the three months, we have a three months deadline, that we will be able to remedy all of the deficiencies that EMSA has been pointing out and hopefully we finally solve this problem,” ang wika ng Pangulo.
“Once again as part of Asia-Pacific region we are seeing still as coming back to our role as a driver of the global economy and the Philippines very much part of that and we are considered as an investment by the Europeans this is what they told me that we are considered by the Europeans as number two in terms of investor the attractiveness next to Vietnam so we are doing all right, but of course there is a room to grow,” dagdag na pahayag nito.
Nakipagpulong din ang Pangulo kay King Philippe ng Belgium sa Royal Palace sa Brussels, araw ng Martes.
Inimbitahan niya ito na bumisita sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na nagsagawa siya ng bilateral meetings kasama ang mga lider mula sa European Commission, Estonia, Sweden Czech Republic, The Netherlands, at Spain.
“I am delighted that my first visit to Europe in Brussels, in particular which has the seals of the European Commission, the Council of the European Union, is a success and I can see the outcomes of this visit will generate opportunities for the benefit of Filipino people,” anito.
Sa naging talumpati naman ng Pangulo sa ASEAN EU commemorative summit, binanggit nito ang free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at European Union na may layunin na baybayin ang economic recovery kasunod ng pananalasa ng COVID-19 pandemic.
Nanawagan naman ang Pangulo ng epektibong implementasyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa gitna ng maritime disputes sa South China Sea.
Binanggit din ng Pangulo na mananatili sa bansa ang independent foreign policy at hindi makikisawsaw o makiki-kampi sa anumang panig na makalilikha ng tensyon sa hanay ng mga bansa.
Sinabi ng Pangulo ang pangangailangan na “to define the damage and loss caused by climate change in seeking reparation from rich nations.”
Natuloy naman ang pakikipagpulong ng Pangulo matapos na hindi siya nakadalo sa coffee meeting sa mga miyembro ng Philippine media dahil sa sipon. (Daris Jose)
-
Team Asia may 2 panalo na lamang para magkampeon sa Reyes Cup Crown
DALAWANG panalo na lamang ang kailangan ng Team Asia para makuha ang kampeonato ng Reyes Cup Crown. Ang Asia Team ay mayroong 9-3 score matapos ang tatlong araw ng billiard games kung saan ang unang koponan na makakuha ng 11 points ay siyang magkakampeon. Nitong Huwebes ay nagwagi ang Asia team […]
-
DSWD may P581-M standby funds pa
Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon pa itong mahigit P581-million standby at stockpile funds para ipangdagdag sa resources ng mga lokal na pamahalaan na labis na naapektuhan ng coronavirus disease pandemic. Ayon kay DSWD Secretary Rolando Joselito D. Bautista na mayroong sapat na resources ang ahensya para tulungan […]
-
200 tauhan ng LTO-NCR West ipapakalat ngayong Semana Santa
NASA 200 na mga kasapi ng Land Tranportation Office sa National Capital Region-West ang ipinakalat nila para sa pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023”. Ayon kay LTO-NCR West Regional Director Roque Verzosa III na layon ito ay para matiyak na nasusunod ng mga pampasaherong sasakyan ang Land […]