Higit 500 market vendors, nabigyan ng libreng COVID-19 swab test sa Quezon City
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
Nakinabang sa libreng COVID-19 swab test ang may 549 vendors mula sa apat na private at public markets sa Quezon City sa pakikipagtulungan ng Project Ark.
Sa naturang pagsusuri, 1 percent o walong katao ang nagpositibo sa virus mula sa mga vendors sa Frisco, Tandang Sora, Philand Dr., at Balintawak Market. Ang mga ito ay agad na nailipat sa community care facilities.
Pinasalamatan naman ni QC Mayor Joy Belmonte ang Project Ark, isang private sector initiative, sa pakikipagtulungan sa LGU na maibsan ang pandemic sa lungsod.
“We appreciate the continuous support of Project Ark in our battle against COVID-19. This initiative complements our testing efforts as we slowly gear towards revitalizing our economy,” dagdag ni Belmonte.
Ayon kay City Health Department (CHD) Chief Dr. Esperanza Arias ang pooled testing ay akma sa malalaking grupo . Anya ang samples mula sa pooled tested individuals ay agad dinadala sa laboratories ng Lung Center of the Philippines (LCP) at sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).
Ayon kay Belmonte na sa ilalim ng partnership sa Project Ark na may halagang P4.5 million, maaari itong sumuri ng mahigit 4,000 katao. (ARA ROMERO)
-
India unang darating para sa FIBA World Cup Qualifiers
UNANG darating sa bansa ang India para sa FIBA World Cup Qualifiers na tatakbo mula Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum. Nakatakdang dumating Lunes ng gabi ang delegasyon ng India na binubuo ng 12-man national team kasama ang ilang opisyales at bahagi ng coaching staff nito. Nangunguna sa listahan […]
-
LeBron, hindi na rin maglalaro sa Tokyo Olympics
Idineklara ni NBA superstar LeBron James na hindi na rin siya maglalaro sa nalalapit na Tokyo Olympics sa buwan ng Hulyo. Ginawa ni James ang pahayag matapos na eliminated na ang Los Angeles Lakers sa NBA playoffs nang masilat ng Phoenix Suns sa loob ng anim na laro sa first round. […]
-
Patunay sa mahusay na serbisyong pangkalusugan Bulacan, tumanggap ng mga parangal sa Ika-10 CLExAH
LUNGSOD NG MALOLOS- Isa na namang patunay ng dekalidad na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan ang ipinamalas ng Lalawigan ng Bulacan makaraang gawaran ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ng ilang parangal ang probinsiya sa ginanap na Ika-10 Central Luzon Excellence Awards for Health (CLExAH) sa Quest Plus Conference Center, Clark, Pampanga […]