• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kristian Yugo Cabana nilangoy unang ginto sa Batang Pinoy

VIGAN CITY – Nilangoy agad ni Kristian Yugo Cabana ng Lucena City ang unang gintong medalya sa PSC-Batang Pinoy National Championships – Boys Under 12 swimming na ginanap sa Quirino Stadium, Sabado.

 

Nagtala si 12-year-old Cabana ng 2:29.50 minuto sa 200 LC Meter IM sapat upang ikuwintas ang gintong medalya sa event na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman Jose Emmanuel “Noli” M. Eala.

 

“Very proud po ako at nagulat ako sa time ko,” saad ni Cabana na pangarap maging Olympian pagdating ng araw.

 

Ang nasabing edition ng batang Pinoy ay suportado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Education (DepED) kasama ang Milo Philippines, Pocari Sweat, Otsuka Solar Philippines, Universal Robina Corporation, Coca-Cola Beverages Philippines, Globe Telecom at Beautéderm.

 

Nakopo ni Kevin Bryle Chan ng Valenzuela City ang silver sa nirehistrong 2:33.40 minuto, habang bronze si Daniel Jonas Ocampo ng Angeles City matapos ipasa ang oras na 2:35.30 minuto.

 

Naikuwintas naman ni Kyla Louise Bulaga ang gold medal sa Girls 12 & Under ng La Union Province (2:44.45), habang silver at bronze sina Makayla Bettina Fetalvero ng Ilocos Sur (2:51.80) at Eunice De Guzman ng Bulacan (2:52.59).

 

Ikakasa ngayong araw ang cycling, chess, athletics, archery at weightlifting, simula na rin ang virtual sports na wushu at muay. (CARD)

Other News
  • Kaya super react ang mga netizen: KYLINE, tila may sagot na tungkol sa pagkakalabuan nila ni MAVY

    TILA mas sagot na si Kyline Alcantara sa lumalabas na tsismis na nagkakalabuan na sila Mavy Legaspi at parang nadadamay pa si Carmina Villrroel.      Bagamat pareho pa silang tahimik sa isyu… May pinost si Kyline tungkol sa pananahimik… “I was taught that keeping quiet kept the peace.  Until I realized, who’s peace is […]

  • Mga Bulakenyong magsasaka, makikinabang mula sa tatlong ‘solar-powered irrigation system’ ng DA-NIA

    LUNGSOD NG MALOLOS – May 1,434 Bulakenyong magsasaka ang makikinabang mula sa nakumpletong tatlong solar pump irrigation na proyekto ng Department of Agriculture – National Irrigation Administration na inanunsyo sa ginanap na presentasyon ng Solar Irrigation Projects sa NIA Regional Office III sa Brgy. Tambubong, San Rafael, Bulacan noong Biyernes.     Ang nasabing tatlong […]

  • Bibigyan din ng special award si Sharon: VILMA at ALDEN, tinanghal na Best Actress at Best Actor sa GEMS Awards

    ANG GEMS Hiyas ng Sining ay isang samahang nagbibigay- pagkilala sa mga katangi-tanging alagad ng sining sa larangan ng PANULAT, DIDYITAL,TANGHALAN, RADYO, TELEBISYON, at PELIKULA.   Magdaraos na ng live o virtual awarding sa itatakdang petsa at lugar sa taong ito.   Narito na ang mga nagsipagwagi at pagkakalooban ng espesyal na karangalan sa 8th […]