Brittney Griner muling maglalaro sa WNBA matapos na makalaya sa pagkakakulong
- Published on December 19, 2022
- by @peoplesbalita
Magbabalik pa rin para maglaro sa WNBA ngayong season si Brittney Griner matapos ang pagkalaya nito mula sa pagkakakulong sa Russia.
Sinabi nito na kinuha pa rin siya ng kaniyang dating koponan niyang Phoenix Mercury.
Pinasalamatan nito ang kaniyang mga koponan at management dahil sa pagtanggap sa kaniya.
Magugunitang naaresto noong Pebrero si Griner habang ito ay nasa Russia ng mahulian ito ng ipinagbabawal na substance sa kaniyang vape cartridge.
Naglalaro kasi si Griner sa Russian Basketball League kapag off-season ng WNBA.
Napalaya lamang si Griner nitong buwan dahil sa prisoners swap. (CARD)
-
Malakanyang, ipinaubaya sa Comelec ang desisyon
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) ang pagdesisyon hinggil sa panukalang palawigin ang mail voting sa 2022 presidential elections. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kinikilala nila ang Comelec bilang constitutional body na may atas na ipatupad ang batas at regulasyon sa pagdaraos ng eleksyon sa bansa. Sa ulat, isinusulong […]
-
Resulta ng halalan, irespeto — PNP
KUNG talagang mahal ninyo ang Pilipinas, igalang ang resulta ng halalan.” Ito ang apela sa publiko ni Police Maj. Gen. Valeriano De Leon, Deputy Task Force Commander STF NLE 2022 sa patuloy na protesta sa resulta ng nagdaang eleksiyon. “Patunayan ninyo na mahal talaga ninyo ang ating bansa at ito ay […]
-
Marcos Jr., binati ang ‘BFF’ na si Sara Duterte ng ‘happy birthday’
TINAWAG ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na kanyang “BFF”, kasabay ito ng pagdiriwang ng huli ng kanyang ika-44 kaarawan. Ang BFF ay nangangahulugan na “Best Friend Forever.” “Happy Birthday Mam Vice President!” ang pahayag ni Marcos sa kanyang Facebook post. “Cheers to the best […]