Diesel, posibleng tumaas ng higit P1 sa susunod na linggo
- Published on December 19, 2022
- by @peoplesbalita
NAGTAPOS ang apat na linggong sunud-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa asahan naman ang oil price hike sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy.
Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, mayroon silang nakikitang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa pagtaya, posible umanong magkaroon ng P1.40 hanggang P1.60 na dagdag-presyo sa bawat litro ng diesel.
Mas maliit naman sa gasolina na maaari umanong umabot lang sa P0.10 hanggang P0.30 kada litro ang maging pagtaas sa presyo.
Maaari rin umanong umabot sa P1 kada litro ang madadagdag sa presyo ng kerosene.
Ang pagbubukas ng ekonomiya ng China at pagtaas ng demand sa langis ang isa sa mga nakikitang dahilan sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Nitong nakaraang Martes, umabot sa P3.40/L ang natapyas sa presyo ng diesel, P1.70/L sa gasolina, at P4.40/L sa kerosene. (Ara Romero)
-
Comelec nanawagan: Magparehistro na bago Enero 31
MULING umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na gawin ang lahat ng magagamit na paraan para makapagparehistro para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre ng taong ito, sa isang linggong nalalabi ng voter’s registration. Ani Comelec spokesman Rex Laudiangco, ng mga kwalipikadong botante ay maari namang magpatala sa […]
-
Jo Koy’s “Easter Sunday” With All-star Fil-Am Comedic Cast, Celebrates Pinoy Culture
STAND-UP comedy sensation Jo Koy (Jo Koy: In His Elements, Jo Koy: Comin’ in Hot) stars as a man returning home for an Easter celebration with his riotous, bickering, eating, drinking, laughing, loving family, in this love letter to his Filipino-American community. Check out the hilarious trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=ivv36l25jgU Easter Sunday […]
-
Obiena mas lalong ginanahan
INAASAHANG mas lalo pang magsisikap si World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena para magtagumpay sa mga lalahukang international tournaments. Ito ay matapos siyang tumanggap ng P300,000 mula kay Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan kahapon para sa gastusin sa mga sasalihan niyang mga torneo. Nakatakdang bumalik ang Southeast Asian Games […]