PAGWASAK SA MAY P7.5-B HALAGA NG IBAT-IBANG URI NG DROGA NG PDEA SINAKSIHAN NI PDU30
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
AABOT sa halagang P7,510,840,985 na halaga ng iba’t ibang uri ng droga at mga sangkap nito ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang Integrated Waste Management system sa may Trece Martirez sa Cavite.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Vilanueva ay ito ay pagsunod sa batas at sa mahigpit na utos na rin ni President Rodrigo Roa Duterte, na sinaksihan mismo ang pagwasak ng mga droga, na lahat ng mga kumpiskadong droga ng PDEA mula sa kanilang mga anti-drug operations ay dapat wasakin, upang maiwasan na ma recycle ito.
Pinaka maraming droga na winasak ng PDEA ay ang shabu na umabot sa halos 240 kilo na may street value na aabot sa P7,314,615,343. Masasabing ito na ang isa sa pinakamalaking pagwasak ng PDEA sa mga droga. (RONALDO QUINIO)
-
Ads June 30, 2021
-
Kulang-kulang 700K rice farmers, makikinabang mula sa RCEF Mechanization Program
IN-UPGRADE ng Department of Agriculture (DA) ang pamamaraan ng mga magsasaka sa kanilang paghahanapbuhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng makinarya at kagamitan. Sinabi ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) na may 682,502 magsasaka sa buong bansa ang recipients ng Rice Competitiveness Enhancement Fund’s (RCEF) Mechanization Program “as of December […]
-
Pagpapasara sa POGO, pinag-iisipan na ni PBMM
PINAG-IISIPAN na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasara sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. Sinabi ni Sen. Imee Marcos na nakausap niya ang Pangulo noong nagtungo siya sa Palasyo para dumalo sa kaarawan ng kapatid at ito ang isa sa kanilang mainit na napag-usapan. Iginiit umano ng […]