Motorista, pinaiiwas ng Quezon City LGU sa ruta ng MMFF Parade of Stars
- Published on December 21, 2022
- by @peoplesbalita
PINAYUHAN ng Quezon City Government ang lahat ng motorista na iwasan ang ruta na pagdarausan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars 2022 sa Miyerkules, Disyembre 21, 2022.
Nabatid na magsisimula ang parada ganap na alas-4 ng hapon.
Ang ruta nito ay Quezon Avenue mula Mabuhay Rotonda hanggang Quezon Memorial Circle, QC.
Nabatid na isasara simula alas-3 ng hapon ang westbound direction ng E. Rodriguez mula D. Tuazon hanggang Mabuhay Rotonda.
Bubuksan lamang ito kapag nakaalis na ang mga floats.
Payo ng QC LGU, sa gabi ng Disyembre 20, Martes, ay dapat na iwasan ng mga motorista ang E. Rodriguez Avenue mula Banawe hanggang Mabuhay Rotonda na magiging staging area para sa float ng mga pelikula.
Sasakupin anila nito ang isang lane ng westbound habang bukas naman sa trapiko ang eastbound direction.
Dahil dito, asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga lugar at dagsa ng mga manonood.
“Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta,” anito pa.
“Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.” (Daris Jose)
-
VP Sara dumalo sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee
DUMALO sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee ngayong araw si Vice President Sara Duterte kung saan nagpapatuloy ang pag imbestiga sa P612 million confidential funds. Nanumpa naman si VP Sara bago siya payagan magsalita sa pagdinig. Naging mainit ang palitan ng mga pahayag lalo at tinatanong din ni VP Sara ang […]
-
MGA PASAHERO sa KAHABAAN ng COMMONWEALTH AVENUE, PATULOY ANG SAKRIPISYO SA PAGSAKAY ng PUBLIC TRANSPORT
Ang Commonwealth Avenue ang sinasabing pinakamalapad na highway sa Metro Manila. Naguumpisa ito sa may Quezon Memorial Circle hanggang sa may Quirino highway. Ang kabuuan nito ay sakop ng Quezon City at ang kabilaang banda ay ang pinakamalalaking barangay ng Quezon City – Old Capitol site, San Vicente, UP Campus, Culiat, Matandang Balara, Commonwealth, […]
-
Pinas, nasa ‘normal footing’ na sa gitna ng pagbaba ng Covid-19-PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na nasa “normal footing” na ang Pilipinas bago pa ideklara ng World Health Organization (WHO) na nagtapos na ang emergency phase ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang dahilan para ibalik ang emergency status lalo pa’t bumaba na ang kaso […]