• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inflation, magsisimulang humupa sa Enero, balik sa target range sa Hulyo –BSP

INAASAHAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsisimulang bumagal at humupa ang  inflation sa Enero ng susunod na taon at babalik ito sa normal na  target range sa Hulyo.

 

 

Sinabi ni BSP governor felipe medalla na ang inflation ay magsisimulang maging normal matapos na  umabot ito sa pinakamataas ngayong buwan kasunod ng   14-year high na 8.0% noong nakaraang buwan.

 

 

“Well ang tingin ko, huhupa na ang inflation, so inflation will be normal by the third, the fourth quarter of 2023. This hopefully will continue for the rest of 2024., so inflation will be normal by the third, the fourth quarter of 2023. This hopefully will continue for the rest of 2024,” ayon kay Medalla.

 

 

“January will be lower than December. February inflation will be lower than January, and so on and so forth so that by July or August next year, normal na uli ang inflation,” dagdag na wika nito.

 

 

Noong nakaraang linggo, sinabi ng  BSP na inaasahan nito na ang inflation ay papalo sa average na 5.8% ngayong taon, Hindi nagbago mula sa mga nakalipas na  projections o pagtataya noong nakaraang buwan. Mas mataas din ito kumpara sa target range na 2% hanggang 4%.

 

 

“The peak is projected this December, due to higher food prices caused by recent typhoons, along with higher prices of liquefied petroleum gas (LPG) and electricity rates,” ayon sa ulat.

 

 

Inanunsyo naman ng Manila Electric Company (Meralco) ang “higher electricity rates” habang ang oil firms naman ay nagtaas ng presyo ng LPG products para ngayong buwan ng Disyembre.

 

 

Para sa taong 2023, inaasahan ng Monetary Board na ang inflation ay papalo sa 4.5%, mas mataas kumpara sa 4.3% na naitala noong mga nagdaang   monetary policy meeting. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Pamilya ng namatay na tauhan sa Malacañang, tutulungan’

    TINIYAK ng Palasyo Malacañang ang tulong sa mga naulila ng tauhan nilang nasawi sa loob ng complex nitong Huwebes.     Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nagpaabot na sila ng pakikiramay at ginagawa nila ang lahat para maalalayan ang pamilya ni Mario Castro, na isang empleyado ng Information Communications Technology Office sa ilalim ng […]

  • Kinunan habang nagso-shooting sa Coron, Palawan… ANDREA, pasabog ang kaseksihan sa suot na one piece swimsuit

    ABA, pasabog ang sexy pictures na ipinost ni Andrea Torres sa kanyang Instagram account.          Napaka-sexy naman talaga ni Andrea sa kanyang one piece swimsuit pero halos kitang-kita naman ang kanyang flawless skin, pati ang kanyang buttocks or backside. At habang may hawak itong buco.     Obviously, sa shooting ng pelikula niyang […]

  • DOT at DOLE nagtulungan para mapalakas ang turismo

    UMAASA  ang Department of Tourism (DOT) na makakatulong sa pagpapalakas ng turismo ang nakatakdang job fair sa pagitan nila ng Department of Labor.     Nagkasundo kasi ang DOLE at DOT na magkaroon ng “Trabaho, Turismo, Asenso” para magbukas ng trabaho sa iba’t ibang tourist destination sa bansa sa darating na Setyembre 22-24 sa SMX […]