• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senador itinulak ‘libreng matrikula’ ng mga gusto mag-abogado

UPANG maitaguyod ang access sa quality legal education, inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang Senate Bill 1610 na layong magbigay ng libreng tuition at other school fees sa mga “deserving law students” na nag-aaral sa state universities and colleges (SUCs).

 

 

Kasalukuyang libre ang matrikula atbp. bayarin sa mga SUCs sa ilalim ng Republic Act 10931 o “Universal Access to Quality Tertiary Education Act.” Kaso, hindi nito saklaw ang mga nag-aaral para maging abogado dahil sa nakakuha na sila ng undergraduate degree.

 

 

“Isa sa mga dahilan ng kawalan ng katarungan para sa marami sa Pilipinas ang kakulangan ng practicing lawyers,” wika ng senador sa kanyang explanatory note sa Inggles. Noong Miyerkules ito pormal na inihain ngunit nabanggit sa isang press release ngayong Martes.

 

 

Aniya, layon ng panukalang maging abot-kamay ang hustisiya lalo na sa marginalized sectors. Sa ngayon daw kasi, tinatayang nagsisilbi ang isang abogado sa mahigit 2,500 katao — malayo sa ideyal na ratio na isang lawyer kada 250 katao.

Other News
  • Ads November 17, 2022

  • PBBM, pinag-aaralan na bigyan ng rice allowance ang mga empleyado ng gobyerno

    PINAG-AARALAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno para matulungan na mapagaan ang paghihirap ng mga consumers.     “I’m going to initiate, at least for the government workers, the rice allowance… part of the sweldo, ang pagbayad is in rice,” ayon kay Pangulong  Marcos, pinuno ng […]

  • Singil ng kuryente posibleng tumaas dahil sa SC decision

    POSIBLENG tumaas ang singil ng kuryente sa bansa matapos na ideklara ng Korte Suprema na “null and void” ang kautusan ng Energy Regulatory Commission na nagpapatupad ng regulated power rates sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) noong Nobyembre at Disyembre 2013.     Base sa court desisyon na ipinalabas ni SC Associate Justice Jhoseph Y. […]