Zoey Taberna, nag-open up sa kanyang pakikipaglaban sa sakit na leukemia sa murang edad
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
“Just the word ‘leukemia’ itself made me so afraid.” Ang leukemia, ayon sa healthline.com, “is a cancer of the blood cells.”
Ito ang bahagi ng madamdaming post sa Instagram ni Zoey Taberna, ang panganay na anak ng brodkaster na si Anthony Taberna. Si Zoey, 12, ay kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na leukemia.
Noong December 2, eksaktong isang taon matapos siyang ma-diagnose na may leukemia, ibinahagi ni Zoey sa Instagram ang kanyang saloobin sa pakikipaglaban sa sakit na ito sa murang edad.
Ayon sa post nito sa IG “i can’t believe its already been a year aaaa. one year ago today, i was rushed to the hospital at 2am because i couldn’t walk and my legs were so painful.
“we had no idea on what was happening to me.”
Katulad ng ikinuwento ng kanyang ama sa Instagram post nito, ang buong akala ni Zoey ay simpleng karamdaman lamang ito. Hanggang sa lumabas ang resulta ng tests na isinagawa sa kanya, at nalamang mayroon siyang leukemia.
Lahad ni Zoey, “at first, we thought i had a problem with my bones.
“but after running multiple tests, i was diagnosed with bone marrow disease, which ended up to be leukemia.”
Dito na raw parang gumuho ang mundo ng noo’y 11-year-old pa lamang na si Zoey.
“i was very scared. just the word ‘leukemia’ itself made me so afraid.
“especially since i had to undergo chemotherapy. i needed to chop off all my hair.
“and that made me very insecure and sad all the time.”
“I STAYED STRONG”
Kahit may takot na nararamdaman, hindi ito naging dahilan upang panghinaan siya ng loob. Hinarap ni Zoey ang laban sa kanyang karamdaman nang may positibong pag-iisip.
Saad niya, “i really thought my life would already end there.
“but no. i stayed strong and did my best.”
Kasunod nito, pinasalamatan ni Zoey ang mga taong kasama niya sa kanyang laban sa sakit na leukemia.
Aniya, “i want to say thank to everyone who helped me. first, to Doctor Allan Racho along with the other doctors and nurses who handles me in the hospital.
“i also want to say thank my friends. thank you enzo, julius, gian, clive, dillon, rasheed, lia, raizel, arianne, margaux, clara & sam, (there’s a lot more but i can’t mention you all HAHAHA) for always comforting me and trying your best to not make me feel left out, especially when i just studied from home cause i wasn’t allowed to go to school. thanks also for always making kwento and always giving time for me even if you guys are busy.
“thank you also to my family and family friends for always sending love and prayers to me.
“thank you din po for always caring for me and making me happy.
“i also want to thank ate ana who took care for me ever since i was a baby and still takes care of me until now.”
Si Zoey ang panganay na anak ni Anthony at ng negosyanteng si Rossel Taberna.
Ang kanyang mga magulang ang naging giya ni Zoey upang labanan ang sakit niya. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa mga ito.
Mensahe niya, “next, i want to thank my parents. thank you mom and dad for helping me always.
“thank you for listening to me when i am having a hard time.
“thank you po for working hard for me and our whole family.
“i know you have problems now but i’m sure you will overcome them very soon!”
Kasunod na pinasalamatan ni Zoey ang kanyang nakababatang kapatid na si Helga.
Aniya, “i also want to thank my sister, helga.
“i know i always fight and argue with you but i hope you know that i am very grateful for you.
“thank you for taking care of me when i’m not feeling well.
“thank you for listening to me when i am overthinking or when i am having a hard time expressing my feelings.
“thank you din for always having my back.”
Hindi naman nakalimutang pasalamatan ni Zoey ang Diyos at ang pinuno ng Iglesia ni Cristo.
Sabi nito, “lastly and most importantly, i want to say thank you to God.
“For guiding me and helping me throughout all the hardships i have been through.
“like our executive minister, Ka Eduardo Manalo said when he prayed for me, God will heal me. and He really did.
“i am a lot better now than i was before.
“special thanks din po kay ka rommel and tita jen dahil araw araw niyo po akong pinahiran ng langis.”
Sa huli, sinabi ni Zoey na marami siyang natutunan sa kanyang labang ito. Nagpasalamat din siya sa mga taong nagdasal para sa kanyang paggaling.
“this has been very difficult, but i have learned a lot from this experience. again, thank you all for caring for me and for supporting me.
“i couldn’t have done it without you all! thank you for making me feel loved and for helping me stay strong.
“i love you all so much. stay safe everyoneee !!”
-
After na magwagi sa ‘2024 New York Festivals’: ‘Black Rider’ ni RURU, nag-uwi ng panibagong parangal
HINDI lang sa Pilipinas namamayagpag ngayon ang bagong single na “Moonlight” ng P-pop group na SB19. Matapos ilunsad noong Biyernes, number 1 sa music charts ng siyam ng bansa ang “Moonlight,” at may 1.1 million views naman ang music video sa YouTube sa loob ng dalawang araw. Sa post […]
-
PBBM, ipinag-utos ang mapayapang resolusyon ng maritime dispute – NMC
NANANATILI ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang mapayapang resolusyon sa pinagtatalunang katubigan, kabilang na ang West Philippine Sea (WPS), sa kabila ng pinakabagong agresyon ng Escoda Shoal. “As directed by the President, the Philippines will fully utilize and continue to pursue diplomatic channels and mechanisms under the rules-based […]
-
Selebrasyon sa ika-70 taon sa pag-upo ni Queen Elizabeth magiging pribado lamang
HINDI magkakaroon ng magarbong pagdiriwang ang Buckingham Palace sa ika-70 taon ng pagkakatalaga kay Queen Elizabeth II. Ang 95-anyos kasi na si Elizabeth ay naging reyna ng Britanya at ilang mga bansa gaya ng Canada, Australia at New Zealand matapos ang pagpanaw ng amang si King George VI noong Pebrero 6, 1952. […]