Pagbibigay ng free legal aid sa uniformed personnel, magpapalakas sa morale, productivity ng law enforcers
- Published on December 27, 2022
- by @peoplesbalita
ANG pagbibigay ng libreng legal assistance na naakaharap sa kaso na may kaugnayan sa kanyang tungkulin ay makakatulong para mapalakas ang morale at productivity ng mga unipormadong personnel sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies.
Ayon kay Davao City Rep. Paolo Duterte, ang pagkaka-apruba ng House Bill 6509 sa ikatlo at huling pagbasa ay isang hakbang para mabigyan ng legal protection sa mga unipormadong personnel na naakusahan ng mali habang ginagampanan ang kanilang tungkulin na mabunyag ang mga high-profile criminal syndicates.
Ang HB 6509, ay pinagsama-samang panukalang batas nina Duterte at Benguet Rep. Eric Yap, at iba pang panukalang batas ukol sa military and uniformed personnel (MUP) ng AFP, PNP, Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Philippine Coast Guard (PCG).
“Free legal assistance will strengthen our uniformed personnel’s morale, safeguarding them from unfortunate circumstances that may come with performing their sworn duties. This free legal assistance, in the premise that is not misused, could serve as an incentive and boost productivity,” pahayag nina Duterte at Yap kasunod ng panawagan para sa agarang pagpasa ng paukala.
Sa ilalim ng bill, ang sinumang MUP na nakaharap sa kasong kriminal, civil o administrative charges na service-related incidents sa prosecutor’s office, korte, administrative body, o anumang tribunal, ay mabibigyan ng free legal assistance.
Patuloy pa ring mabibigyan ng free legal aid ang mga ito hanggang sa pagreretiro sa serbisyo.
Nanawagan naman ito sa senado na ipasa ang counterpart measure ng HB 6509 kapag nagbalik sesyon ang kongreso sa susunod na buwan. (Ara Romero)
-
WHAT A TREAT! MEET THE COLORFUL CHARACTERS OF “WONKA,” IN CINEMAS DECEMBER 6
STEP into a world of pure imagination, and get a glimpse of the wonderful characters of “Wonka,” starring Timothée Chalamet as the beloved chocolate-maker. Directed by Paul King (“Paddington”), “Wonka” opens in Philippine cinemas December 6. Watch the new trailer: https://youtu.be/Ke6EKcvZwiA About “Wonka” Based on the extraordinary character at the center of “Charlie […]
-
ILANG KALYE SA CALOOCAN, NI-LOCKDOWN
ISINAILALIM sa isang linggong lockdown ang mga lugar na pumapaloob sa 5th Street, Magsaysay Street, 6th Street at C3-Road sa Barangay 123 at ang mga kalye ng Panay, Guinugitan, Masbate, at Victoria sa H. Dela Costa Homes, Barangay 179, Caloocan City simula 12:01am ng Setyembre 3 hanggang 11:59pm ng Setyembre 9, 2021. […]
-
Victolero, Magnolia sa Enero uli kakahig
NAKAHANDA na ang mga balak ni Ercito ‘Chito’ Victolero para sa kanyang Magnolia Hotshots para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA 2021) Philippine Cup na magbubukas sa darating na Abril 9. “Plano, second week of January baka balik-training na kami,” bulalas ng Pambansang Manok coach nitong Lunes. Inaabangan na lang ng koponan na lang […]