DICT balak maglunsad ng 15,000 libreng Wi-Fi sites
- Published on December 27, 2022
- by @peoplesbalita
BALAK ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maglunsad ng higit sa 15,000 libreng Wi-Fi sites sa unang kalahati ng 2023.
Iniulat din ng DICT na umabot sa 4,757 lives sites ang na-activate sa ilalim ng Broadband ng Masa (BBM) at Libreng WiFi.
Ang 4,757 live sites ay nasa 17 rehiyon, 75 probinsya at National Capital Region sa ilalim ng digitalization initiative ng gobyerno.
Ito ay karagdagan sa 606 lungsod at munisipalidad na sumailalim sa digitalization.
Iniulat din ng DICT na itinulak nito ang pagpasa ng SIM Card Registration Act, sinusubaybayan ang higit sa 1,000 banta sa cybersecurity, nagsagawa ng mga sesyon sa Data Privacy Act, at naglunsad ng mga programa ng Cybersecurity Awareness.
Inilista rin ng DICT sa year-end report nito ang mga plano at target nito para sa susunod na taon.
Kabilang dito ang mga plano para sa digital na imprastraktura, pagsulong ng pamumuhunan, pati na rin ang mga pagpapabuti sa kahusayan ng burukrasya.
Upang isulong ang mga pamumuhunan, ang Digital Cities Program ay magse-set up ng mga lokasyon ng Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) sa 31 lungsod sa 2025 upang makabuo ng mga trabaho sa kanayunan. (Daris Jose)
-
Utah Jazz, dumanas ng 44-pt loss sa kamay ng Kings
DUMANAS ang Utah Jazz ng isa sa pinaka-matinding pagkatalo ngayong araw matapos itong tambakan ng Sacramento Kings ng 44 points. Tinapos ng Kings ang laban, 141 – 97. Sa unang quarter ng laban, sumabay pa ang Jazz at tanging tatlong puntos lamang ang naging lamang ng Kings. Pinilit ng Jazz na […]
-
Ads December 9, 2023
-
Mananampalataya, inaanyayahan sa Visita Iglesia Virtual Pilgrimage
Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Mission ang mananampalataya na makibahagi sa Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage na handog ng kumisyon ngayong panahon ng pandemya. Ayon kay Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona na siya ring chairman ng kumisyon, ang nasabing online pilgrimage ay bahagi ng patuloy […]