COVID-19 positivity rate sa Metro Manila bumaba pa sa 11.5% – OCTA
- Published on December 27, 2022
- by @peoplesbalita
BUMABA pa sa 11.5 percent ang COVID- 19 positivity rate sa Metro Manila pero may bahagyang pagtaas naman sa apat na lalawigan sa Luzon.
Ayon sa OCTA research group na mula sa 13.9 percent noong December 17 ay nakapagtala naman ng pagbaba pa o nasa 11.5 percent ang positivity rate sa NCR nitong December 24.
Nitong December 25, ang rehiyon ay nakapagtala ng 255 bagong kaso ng COVID- 19.
Nagkaroon naman ng pagtaas ang positivity rate sa apat na lalawigan sa Luzon sa Albay, Ilocos Sur, Kalinga at Pampanga.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, mula sa 23.3 percent ang Albay ay nakapagtala ng pagtaas sa positivity rate na 35.4 percent at sa Ilocos Sur mula 30.6 percent ay naging 44.8 percent.
Ang Kalinga naman ay nakapagtala ng positivity rate na 41.7 percent mula sa 26.2 percent at sa Pampanga na mula sa 12.5 percent ay naging 17 percent ang Covid-19 positivity rate. (Daris Jose)
-
Bureau of Quarantine, naka-heightened alert laban sa FLiRT COVID-19 variants
INATASAN na ni Department of Health Secretary Ted Herbosa ang Bureau of Quarantine na magsagawa ng masinsinang screening sa points of entry para sa mga pasaherong nagmula sa ibang bansa kung saan na-detect ang bagong COVID-19 “FLiRT” variants. Kaugnay nito, kinumpirma ni Department of Health (DOH) spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na […]
-
‘Red alert’ sa suplay ng kuryente asahan – DOE
Inaasahan na magkakaroon ng “red alert” o manipis na supply ng kuryente sa susunod na linggo. Ito ang sinabi ni Director Mario Marasigan, director ng Electric Power Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE) sa pagdinig ng Senate Committee on Energy ni Sen. Win Gatchalian. Paliwanag ni Marasigan, inaasahan ang […]
-
POC sinuspendi ang PATAFA dahil ginawang panggigipit kay EJ Obiena
Sinuspendi ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) dahil sa ginawang panggigipit kay Pinoy pole vaulter EJ Obiena. Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na nabigo ang PATAFA na gampanan ang kanilang trabaho bilang National Sports Association (NSA). Nakasaad aniya sa konstitusyon […]