• April 7, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB pinaigting ang panghuhuli ng mga aroganteng taxi drivers

MAS PINAIGTING pa ang panghuhuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga aroganteng taxi drivers sa mga terminals at malls na ayaw magsakay ng mga pasahero ngayon kapaskuhan.

 

 

 

May mahigit na 200 na mga aroganteng drivers ang nahuli kamakailan lamang dahil sa patuloy nilang masigasig na panghuhuli. May 214 na taxi drivers ang nahuli dahil sa iba’t ibang violations tulad ng contracting passengers, overcharging ng pasahe, ayaw magsakay ng pasahero, hindi paggamit ng taxi meter at kaso ng mga colorum na operasyon.

 

 

 

“Actually, this is a year-round campaign of LTFRB but when the holiday season and rush start, we have to intensify the campaign against the abusive drivers,” wika ng LTFRB.

 

 

 

Ang mga nahuhuling drivers ay dinadala sa legal division ng LTFRB para sa kaukulang pagdinig at imbestigasyon. Ang mga lumabag sa mga nasabing batas ay bibigyan ng multang P5,000 para sa unang huli, P10,000 sa ikalawang huli at kanselasyon ng prangkisa para sa ikatlong offense. Ang mga drivers ay bibigyan din ng penalty kapag napatunayan na totoo ang violations.

 

 

 

Ayon sa LTFRB, kanilang rerepasuhin ang polisiya sa mga violations at maaaring magkaron ng amienda upang mas mabigyan ng mas mataas na multa ang mga violations na gagawin ng mga taxi drivers.

 

 

 

Nakikipag-ugnayan din ang LTFRB sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang sangay ng pamahalaan upang mahuli ang mga aroganteng taxi drivers.

 

 

 

Samantala, ang ride-hailing firm Grab ay hindi pumunta sa pagdinig na ginawa ng LTFRB upang bigyan ng liwanag ang reklamo tungkol sa surge fees na binabayad ng mga pasahero. Ang surge fee ay dapat bayaran kung rush hours lamang.

 

 

 

“We summoned Grab after receiving complaints from commuters of being charged with surge fee even during ordinary hours. We assured commuters that we will look into the issue to protect the people, who are already burdened with the soaring prices of basic commodities,” saad ng LTFRB.

 

 

 

Isang reklamo ang inihain ng anchorwoman mula sa isang radio station na ayon sa kanya ang regular fare niya sa Grab taxi ay P180 lamang subalit siya ay siningil ng P200 dahil sa surge fee. LASACMAR

Other News
  • Dahil nakapag-guest na sina Cassy at Mavy: CARMINA, bukas sa posibilidad na makasama rin sa serye si ZOREN

    NAKAPAG-GUEST na sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ ang kambal na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na sina Cassy at Mavy Legaspi, at dahil extended nga ang show, may posibilidad kaya na mag-guest naman si Zoren sa show? “Ay why not? Malay mo naman, di ba,” reaksyon ni Carmina sa tanong namin sa aktres. […]

  • Pinas, looking forward na itaas ang labor deals sa Palau

    LOOKING forward ang gobyerno ng Pilipinas para pag-usapan ang mga hakbang sa Palau upang itaas ang labor agreements sa pagitan ng dalawang bansa.     “‘Our long history of mutual support has remained a cornerstone of our bilateral relationship to this day. With Filipinos making up a significant percentage – I understand it’s now 25 percent. […]

  • Trump nanood sa UFC kasama ang ilang gabinete

    IPINAGDIWANG ni US president-elect Donald Trump ang pagkapanalo nito sa halalan sa pamamagitan ng panonood ng Ultimate Fighting Championship (UFC).     Nanood ito sa UFC 309 sa New York kasama si Elon Musk at ilang mga gabinete nito gaya nina Robert F Kennedy Jr at Tulsi Gabbard ganun din si Vivek Ramaswamy.     […]