AUSTRALIAN HACKER, DI PINAPASOK SA BANSA
- Published on December 27, 2022
- by @peoplesbalita
PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Australian hacker na nagtangkang pumasok ng Pilipinas.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, na nasabat ng pamunuan ng BI’s Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ang tangkang pagpasok ni Risteski Borche, 40, sakay ng isang Cebu Pacific flight mula Sydney sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong December 21.
Risteski na isang Australian ay origin ng Macedonian, ay kabilang sa Interpol alert.
Sinasabi na si Risteski ay wanted sa Macedonia dahil sa di awtorisadong pag-hack nito sa computer system na isang paglabag sa Article 251 ng criminal code sa Republika ng Macedonia. At nahaharap sa apat na taon na pagkabilanggo sa nasabing bansa.
Dahil dito, pinagbawalan siyang pumasok ng bansa at kasama ang kanyang pangalan sa BI’s blacklist. GENE ADSUARA
-
Mahigit 34-K na pamilya apektado pa rin ng oil spill sa Oriental Mindoro
MAYROONG 34,553 na pamilya mula Mimaropa at Western Visayas ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro. Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na mayroong ding 13,654 na mga pangkabuhayan ng mga mangingisda at magsasaka ang naapektuhan ng oil spill. Tiniyak ng ahensiya na mahigpit ang ginagawang pagtutulungan ng mga iba’t ibang […]
-
Arrest order ng China simula na ngayon
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy lamang sila sa kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng China na sisimulan na ngayon ang paghuli sa mga “trespassers” sa South China Sea at ilang lugar sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, tuluy-tuloy […]
-
330 mga bagong kaso ng COVID-19, naitala sa PH -DOH
NAKAPAGTALA lamang ng 330 na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Pilipinas kahapon. Dahil dito, umakyat na ang kabuuang bilang ng mga kaso sa 3,676,991. Sa data ng Department of Health (DoH) ang active case naman ay bumaba sa 42,835 mula sa dating 43,486 active cases. Pumalo naman […]