• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos admin naglaan ng 5-6% na gross domestic product para sa infrastructure development

NAGLAAN ng malaking bahagi ang administrasyong Marcos kaugnay sa ekonomiya ng bansa para sa pagpapaunlad ng imprastraktura gayundin ang pagtaas ng badyet para sa agrikultura at pangangalaga sa kalusugan.

 

 

 

Sa pahayag na inilabas ng Office of the Press Secretary (OPS), binanggit ang nagawa ng Department of Budget and Management (DBM).

 

 

 

Ang departamento ay naglaan ng 5% hanggang 6% ng taunang gross domestic product (GDP) sa ilalim ng mga programang “Build Better More”.

 

 

 

Gayundin, upang mabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima, sinuportahan ng Budget department ang National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Renewable Energy Development Program ng Department of Energy (DOE).

 

 

 

Ayon sa DBM, naglaan din ito ng malaking halaga sa 2023 national budget para sa mga climate-related expenditures.

 

 

 

Nakalista din sa mga nagawa ng DBM ngayong taon ang agresibong digitalization nito alinsunod sa agenda ni Pangulong Marcos.

 

 

 

Sa ilalim ng digitalization thrust nito, pinalawak ng DBM ang Action Document Releasing System (ADRS) at isinagawa ang Unified Reporting System (URS) Encoding sa mga regional office nito

 

 

Ang Budget department ay na-digitalize din ang Public Financial Management Program at ang Learning Management System (LMS).

Other News
  • Nasayang na bakuna umakyat na sa P22 bilyon

    UMAKYAT na sa P22 bilyong halaga ng COVID-19 vaccines ang nasayang sa Pilipinas makaraang mag-expire, masira o iba pang kadahilanan, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.     Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang P22 bilyon ay katumbas ng 44 milyong bakuna na nasira. Ito ay kung nagkakahalaga ang isang dosage […]

  • Marami ang mapapaluha sa documentary na tungkol sa ina at sa anak… MARIAN, inamin na ayaw gawin ang Mother’s Day special na dinirek ni DINGDONG

    KUNG matagal-tagal din na hindi napanood ang mga Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa telebisyon, aba ngayon naman, parang bumabawi ang mga ito.     Si Dingdong ay halos araw-araw napapanood sa GMA-7 dahil sa kanyang “Family Feud,” “Amazing Earth.”  Si Marian sa kanyang “Tadhana.”  Pero simula ngayong Sabado, May […]

  • “Special economic at freeport zone” sa Bulacan Airport City, bineto ni PBBM- Malakanyang

    BINETO (VETO) ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos  Jr. ang batas na magtatayo ng “special economic at freeport zone”  sa Bulacan Airport City.     Sa isang text message, kinumpirma ni  PCOO at Press Secretary Trixie Angeles na bineto  (veto) ng Pangulo  ang nasabing batas.     “We confirm that the president signed the veto of […]