55 miyembro ng CPP-NPA, sumuko
- Published on December 28, 2022
- by @peoplesbalita
KASABAY sa pagdiriwang ng ika-54 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon (Dec. 26) ay siya namang pagsuko sa pamahalaan ng may 55 miyembro nito.
Inihayag ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Major General Jonnel Estomo sa isinagawang programa kahapon ng umaga sa NCRPO headquarters sa Bicutan, Taguig City kung saan pormal na nag-withdraw ng kanilang suporta sa CPP-NPA sa pamamagitan ng panunumpa sa katapatan sa gobyerno ng Pilipinas ang mga nagsisuko.
Ang pagsuko ng mga dating rebelde ay kaugnay sa naging panawagan ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr. na talikuran ang armadong pakikibaka, bumalik sa mainstream society upang maibalik ang matagal nang nawawalang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.
Ang panawagan ay ginawa ni Azurin kasunod sa pagkamatay ng kanilang lider at founder ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na si Joma Sision.
Iba’t ibang uri ng armas at bala; handheld radios; bandleirs, base radio module; mga cellphones; mga IED o PVC Pipe Bomb ang isinuko ng mga rebelde. (Daris Jose)
Other News
-
500 persons/ staff ng NBA na inilagay sa isolation
NAPAKALAKING sakit din daw sa ulo ng NBA organization ngayon ang nasa mahigit 500 mga staff na isinailalim sa quarantine bunsod ng COVID pandemic. Ang naturang bilang ay mula sa mahigit 2,500 na mga staff. Kasama sa mga staff na inilagay sa safety at health protocols ay mga equipment managers, video […]
-
CHR, nag-deploy ng Quick Response Operation para imbestigahan ang mga insidente ng pagpatay sa election aspirants at local officials
MARIING kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagtaas ng karahasan laban sa mga election aspirant at local officials sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kaugnay nito, nag-deploy na ang komisyon ng Quick response Operation team para imbestigahan ang mga insidente ng pagpatay at para matukoy kung ang mga ito ay politically […]
-
Ads October 10, 2024