• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd employees, pinasalamatan ni VP Sara sa pagseserbisyo sa kabataan

PINASALAMATAN  ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga tauhan ng Department of Education (DepEd) dahil sa kanilang dedikasyon at pagmamahal sa pagseserbisyo sa mga kabataang Pinoy.

 

 

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Duterte na mala­king pasasalamat niya sa mga tauhan ng DepEd sa patuloy na pagtatrabaho kahit na may banta pa rin ng COVID-19 at iba pang mga kalamidad.

 

 

“Nagpatuloy kayo sa paggabay at paglinang ng murang kaisipan ng ating mga kabataan para maabot nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.Mahalaga ang inyong papel sa ating pag-unlad bilang isang bansa,” pahayag ni Duterte.

 

 

Binati rin ni Duterte ang mga ito ng masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan, mapayapa at mapagpala at puno ng pag-asa sa pagpasok ng Bagong Taon.

 

 

“Patuloy nating mahalin ang Pilipinas,” sabi pa ni Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • Fernando, ipinag-utos ang pansamantalang pagsuspindi ng pagmimina

    LUNGSOD NG MALOLOS – Upang matugunan ang patuloy na isyu sa mga sira-sirang kalsada at labis na pagmimina sa lalawigan, naglabas si Gobernador Daniel R. Fernando ng Executive Order No. 21 na nagmamandato ng pansamantalang pagsuspindi ng lahat ng permit sa pagmimina, quarrying, dredging, desilting at iba pang uri ng mineral extractive operations sa Bulacan. […]

  • Ads April 4, 2023

  • Lloyd Jefferson Go salo sa pang-8, P257K sinubi

    Tinapos ni Lloyd Jefferson Go ang kampanya sa five-under-par 67 uipang sumosyo sa pangwalo sa 11th Asian Development Tour 20220-22 Leg 14 $200K PIF Saudi Open nitong Dec. 8-10 sa Riyadh Golf Club.     Nagbuslo ang 27-anyos na Pinoy buhat sa Cebu ng six birdies laban sa one bogey sa pagsara sa 54 holes […]