• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Masasagot na rin ang estado ng relasyon nila: HEART, kinumpirma na sa ‘Pinas magba-Bagong Taon kasama si Sen. CHIZ

KINUMPIRMA ni Heart Evangelista via social media na sa Pilipinas siya mag-celebrate ng New Year kasama ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero.

 

 

Sa isang Instagram update, nabanggit nga ni Heart sa caption na uuwi siya para makasama si Chiz sa Bagong Taon: “Living between 2 worlds Paris and Manila. 2 clocks in one @philipsteinph walking around Paris before heading home for New Year. Ps. See you soon @escuderochiz.”

 

 

Dahil sa post na ito ni Heart, nasagot na rin ang katanungan ng marami tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Chiz.

 

 

Noong September nagsimula ang usap-usapan ng mga marites na pauwi na sa hiwalayan ang pagsasama nila Heart at Chiz. Ginawang dahilan ng mga marites ang laging pag-alis ni Heart ng bansa at ang pag-drop nito ng Escudero sa kanyang social media accounts.

 

 

Minsan ding nakita ang pag-iyak ni Heart sa isang photo shoot at hindi rin daw binati ni Heart ang mister noong kaarawan nito.

 

 

Pero in fairness to Heart, wala itong binigay na anumang statement na may problema sa pagsasama nila ni Chiz. Tahimik lang siya at pinabayaan niyang mag-assume ang mga asumera at mga chismoso’t chismosa sa social media.

 

 

Sa pagbalik ni Heart sa Bagong Taon, umaasa ang marami na sabay sila ni Chiz na magsalita tungkol sa kanilang pagsasama.

 

 

***

 

 

ISA sa big highlights ng buhay ni Jason Abalos ngayong 2022 ay ang magpakasal sila ng long-time girlfriend niyang si Vickie Rushton.

 

 

Kaya sa pagpasok ng 2023, baby naman daw ang gusto ni Jason mula kay Vickie.

 

 

Sa latest post ng aktor sa Instagram, ito ang nakalagay: “Last year’s Christmas post na gamit yong picture namin sa marriage banns vs ngayon Mr. and Mrs na, ang daming nangyari na dapat ipagpasalamat sa taas, yong pinakamalupit na blessing na lang ni Lord ang hinihintay namin baka next year may cute na naka singit na sa gitna 🙂 Maligayang pasko sa ating lahat 🙂 pagmamahal sa bawat isa.”

 

 

Noon pa naman sinasabi ni Jason na gusto niyang magkaroon ng maraming anak kaya nagpatayo siya ng malaking bahay na maraming kuwarto para sa future kids nila ni Vickie.

 

 

Kinasal sina Jason at Vickie noong September sa San Antonio De Padua Parish Church in Nasugbu, Batangas. Kabilang pa sa pinapasalamat ng aktor sa taong ito ay noong manalo siya bilang provincial board member ng Nueva Ecija noong nakaraang May elections at ang maging Navy Reservist sila ng kanyang misis noong November.

 

 

Walang banggit si Jason kung may gagawin ba siyang bagong teleserye sa GMA. Huli niyang teleserye ay ang ‘Tres Hermanas’.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • ‘Queen of Visayan Movies’ na si GLORIA SEVILLA, pumanaw na sa edad 90 sa tahanan sa Amerika

    PUMANAW na ang tinaguriang Queen of Visayan Movies na si Ms. Gloria Sevilla sa edad na 90.     Ayon sa article ng editor/columnist na si Mr. Nestor Cuartero, pumanaw si Sevilla sa kanilang tahanan sa Oakland, California noong nakaraang April 16.     Sumikat si Sevilla noong ’50s and ’60s noong kasagsagan nang mga […]

  • Pelicans star Williamson napiling isa sa cover ng NBA 2K21

    Napili bilang cover ng NBA 2K21 si New Orleans Pelicans star Zion Williamson.   Ang nasabing anunsiyo ng ay isang araw matapos na unang napiling maging cover si Portland Trail Blazers guard Damian Lillard.   Sa mga susunod na araw ay iaanunsiyo ng NBA kung sino ang pangatlong player na magiging cover ng nasabing NBA […]

  • Alam na mahuhusgahan sa ‘coming out’ ng anak… SHARON, suportado si MIEL at walang magiging pagbabago sa pagtrato nila

    PASABOG at ito ang naging trending news simula nang mag-out ang bunsong anak na babae ni Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan.       Tila hindi nito gusto ang terminong lesbian at pinagdiinan na siya ay proud member ng LGBTQIA+ community at ngayong Pride Month ang unang taon na […]