• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kim, napaiyak sa trailer ng Bawal Lumabas

Umapaw ang emosyon ni Kim Chiu nang mapanood niya ang trailer para sa original series na Bawal Lumabas kaya naman hindi niya napigilang maiyak nang maisapubliko ito. “Nag-flashback sa akin lahat simula nag-start ang Bawal Lumabas. One mistake won’t define you as a person,” ang nakasulat na caption ni Kim sa kanyang Instagram ­vi­deo kung saan nagpupunas siya ng luha habang pinapanood ang trailer. “When you make a mistake, don’t look back at it long… ‘Mistakes’ are lessons of wisdom. The past cannot be changed. The future is yet in your power.”

 

Ngayong Disyembre 14 na mapapanood sa iWantTFC streaming service ang naturang family dramedy.  Tampok din sa trailer ang hit song niyang Bawal Lumabas, na inspired din mula sa statement niyang nag-viral noong Mayo habang kainitan ng  ABS-CBN closure.

 

Mapapanood ng standard at premium subscri­bers ang Bawal Lumabas: The Series simula Dis­yembre 14 sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com.

 

Samantala, kung ang iba ay umaalis at naghahanap ng ibang manager, kabilang si Kim sa mga artista na pipirma ng kontrata na magaganap sa isang malaking event na Star Magic Shines On na ipalalabas sa ktx.ph today, December 4, 1 p.m..

 

Aside from Kim, kasama rin mga pipirma uli ng kontrata sina Darna actress Jane de Leon, leading men JM De Guzman, Joseph Marco, Pinoy Big Brother Connect at Game KNB? host Robi Domingo, The Gold Squad  teen idol Andrea Brillantes and Ang Sa Iyo Ay Akin star Kira Balinger.

Other News
  • PNP sinabing ‘essential food’ ang lugaw

    Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ‘essential food’ ang lugaw kaya papayagan makalusot ang mga nagdi-deliver ng nasabing pagkain.     Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana anumang uri ng pagkain na legitimate inorder sa panahon ng ECQ dito sa NCR Plus Bubble ay kinukunsiderang essential goods.     Ito ay taliwas sa […]

  • PBBM, Czech PM Fiala nagkita sa Malakanyang para sa bilateral talks

    DUMATING na sa Palasyo ng Malakanyang si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, araw ng Lunes para sa bilateral meeting kasama si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr.     Sa katunayan, alas 4 ng hapon nang mainit na  salubungin at tanggapin ni Pangulong Marcos si Fiala sa Malakanyang.     Si Fiala ay  nasa Pilipinas ngayon […]

  • 145 mga bagong athletic scholars ng Navotas

    PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Navotas Schools Division Office Superintendent Dr. Meliton P. Zurbano, mga scholars, at kanilang mga magulang o guardians, ang memorandum of agreement para sa NavotaAs Athletic Scholarship Program kung saan umabot sa 145 Navoteño elementary at high school students na mahuhusay sa sports ang tinanggap ng Pamahalaang Lungsod […]