• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Harap-harapang inisnab ng mga hurado ng ‘MMFF 2022’: ‘Family Matters’, deserving sa mga nominasyon at manalo ng major awards

NAGUSTUHAN namin ang light family drama na ‘Family Matters’, na film entry ng CineKo Productions sa 48th Metro Manila Film Festival, na kung saan ilang beses kaming naantig at nagpatulo ng mga luha.

 

Tagumpay ang blockbuster tandem ng filmmaker Nuel Naval at screenwriter Mel Mendoza-del Rosario dahil sapol na sapol ang pinag-uusapang pelikula, na tiyak na lahat tayo ay makaka-relate sa istorya ng Pamilya Florencio, at bato na lang ang puso sa hindi tatamaan kahit isang eksena.

 

Sa higit dalawang oras ang tinagal ng pelikula, pero hindi talaga namin ito tinayuan, kahit kailangan nang mag-cr, dahil bawat sandali ay mahalaga sa pagbuo ng mga karakter na mahusay na pinagtagni-tagni ng premyadong manunulat sa pelikula.

 

Naka-sentro sa dalawang mag-asawang senior na mahusay na ginampanan nina Noel Trinidad (na na-nominate bilang best actor) at Liza Lorena bilang Francisco at Eleonor.

 

Mayroon silang apat na anak na sina Kiko (Nonie Buencamino), ang panganay at matagumpay na anak; Fortune (Mylene Dizon), ang maybahay; Ellen (Nikki Valdez), na tumandang dalaga dahil sa pag-aalaga sa mga magulang; at Enrico (JC Santos), ang ‘menopause baby’ na palaging binu-bully.

 

Isang araw, biglang nagpasya si Ellen na umalis at ‘di nagpaalam para magbakasyon sa Amerika at makipagkita sa kanyang kasintahan online na si Chris.

 

Na nagdulot ng problema sa tatlong naiwang kapatid at nagpasya silang magpalitan sa pag-aalaga kina Francisco at Eleonor. At habang hinaharap ang problema, naglabasan at sumiklab ang mga isyu sa pagitan ng magkakapatid.
Sa pagitan ng tatlong aktres—sina Mylene, Agot Isidro (na gumanap bilang Odette, asawa ni Kiko), at Nikki, nagtagisan nga sila ng husay sa pag-arte, kaya para sa amin deserving silang ma-nominate sa best supporting actress category. Kung na-nominate si Nonie, ay may ‘k’ din si JC, na nagpakitang-gilas din sa pagganap.

 

Kahit sina James Blanco at Ian Pangilinan ay may kanya-kanyang highlights na kapansin-pansin.

 

Kaya marami talaga ang nadismaya sa mga dumalo sa Gabi Ng Parangal ng MMFF 2022 na ginanap noong December 27, sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City, sa harap-harapang pang-iisnab sa ‘Family Matters’ ng mga hurado sa pagpili ng nominees at winners.

 

Ang tanging napanalunan ng naturang pelikula ay ang Gatpuno Antonio J. Villegas Award. Pero marami ang umasa na hahakot ito ng tropeo, kasama ang isa sa Best Picture, pero nalaglag ito sa nominasyon.

 

Kaya takang-taka ang mga nakapanood na ng pelikula dahil na wala man lang napanalunang major awards.

 

 

Lalo pa nga’t wala kang itulak-kabigin sa kahusayan ng buong cast, maayos at maganda ang screenplay, production design at cinematography pero hindi yata ito napansin ng mga hurado.

 

 

Anyway, highly recommended talaga ang ‘Family Matters’ na tiyak na tatatak sa puso ng mga Pinoy, na magbibigay ng pagpapahalaga sa bawat miyembro ng pamilya.

 

 

Hindi man sila pinalad sa Gabi ng Parangal, patuloy naman itong pinipilahan at pinupuri ng manonood na kung saan bali-balitang umakyat na sa ikatlong puwesto at napapanood na sa higit 100 theaters nationwide.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mt. Kanlaon, sumabog; 5000-meter plume, naitala – Phivolcs

    NAGLABAS  ng alerto ang Mt. Kanlaon na matatagpuan sa Negros Island.       Sa ongoing eruption at Kanlaon Volcano, nakita ang nalikhang 5,000-meter plume.     Ayon sa Phivolcs, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog bandang 6:51 ng gabi na sinundan ng malalakas na volcanic-tectonic earthquake.       Dahil dito, nananatili ang […]

  • Ads September 21, 2023

  • Putin, nagdeklara na ng military ops sa Ukraine: ‘The world will hold Russia accountable’ – US Pres. Biden

    NAG-ANUNSIYO na si Russian President Vladimir Putin ng military operation sa Donbas Region ng Ukraine.     Kaugnay nito, hinikayat ni Putin ang mga sundalo sa may eastern Ukraine na magbaba na ng kanilang mga armas at umatras na.     Sa Donbas Region, naroon ang dalawang teritoryo na Luhansk at Donetsk na unang nagdeklara […]