Bigtime drug pusher, tiklo sa P16 milyon shabu sa Malabon
- Published on January 5, 2023
- by @peoplesbalita
NASABAT ng mga awtoridad ang mahigit P16 milyon halaga ng shabu sa isa umanong notoryus drug pusher na listed bilang High-Value Individual (HVI) matapos maaresto sa buy bust operation sa Malabon City.
Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Malabon police sa pamumuno ni P/Col. Amante Daro sa matagumpay na kampanya kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na kinilala bilang si Noel Herrera alyas “Toto”, 56 ng Maragarita St. Brgy. Niugan.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 2 kilos at 380 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value Php 16,184,000.00, buy bust money na dalawang pirasong P1,000 bills na may kasamang boodle money, digital weighing scale at driver’s license.
Sa ulat ni Col. Amante kay BGen. Peñones, unang nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon police hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng shabu kaya’t ikinasa ng mga operatiba ang buy bust operation sa pangunguna ni PLT Alexander Dela Cruz sa Pureza Street, Brgy. Tugatog kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon kay Herrera.
Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa pulis poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa suspek ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka sinunggaban si Herrera.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) of Art. II of R.A. 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
Higit 8 milyong pasaherong naitalang dumating sa bansa – BI
NAKAPAGTALA ang Bureau of Immigration (BI) ng higit sa walong milyong passenger arrivals mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, tanda ng pagsigla muli ng turismo at ekonomiya ng bansa. Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na nakapagproseso sila ng kabuuang 8,117, 286 Filipino at dayuhang pasahero sa mga paliparan at port sa bansa. […]
-
Anim na taon na sa pagbibigay ng inspirasyon: MARIAN, lubos ang pagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta ng viewers sa ‘Tadhana’
ANIM na taon na ang Tadhana, ang award-winning drama anthology program ng GMA Public Affairs na pinapangunahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Sa patuloy ng pagbibigay-inspirasyon sa mga manonood, handog ng programa ang isang three-part special episode na nagsimula nitong Nobyembre 4. Pinamagatang “Secrets,” tampok sa anniversary special ang Sparkle […]
-
Valenzuela PESO, DOLE at SM nagsanib para sa Mega Job Fair
NAGSANIB ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), at ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa paglunsad ng back-to-back na mga programa para sa mga Valenzuelanong naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng isang Mega Job Fair, katuwang ang SM Valenzuela. Ayon kay Mayor Wes Gatchalian, umabot […]