• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa Japan napiling mag-celebrate ng 31st birthday: ALDEN, kinukulit na ng mga fans na mag-girlfriend na

“NEW beginnings” na talaga para sa actress na si Sunshine Cruz ang taong 2023. 

 

 

Obviously, wala na sa mga ganap niya ang boyfriend na si Macky Mathay at ang kasaman nila ng tatlong anak na babae ay ang ama nito at ex-husband na si Cesar Montano at bago nitong pamilya.

 

 

Sa Bohol pa nila sinalubong ang bagong taon kunsaan, “constant” na pinapasyalan ni Sunshine noong sila pa ni Cesar.

 

 

Nagpasalamat si Sunshine sa bagong partner ni Cesar na si Kath at sabi niya, para raw sa ikaliligaya ng mga anak nila ang magandang relasyon nil ani Cesar ngayon.

 

 

Ayon dito, “Thank you guys for the wonderful messages/comments. We appreciate it. Our family chose forgiveness and we are finally co parenting. I guess not a lot of people will understand but this is our family and whatever works and makes the children happy, dun kami. Para sa mga anak.

 

 

“Cesar is very blessed to have someone like Kath. Beautiful in and out. She accepted and loved my kids and I appreciate her so much. Happy New Year guys! Focus tayo sa positivity. Masarap po mabuhay ng may pagpapatawad at pagmamahal sa puso.”

 

 

***

 

 

KASALUKUYANG nasa Japan ngayon ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.  

 

 

Kasama ang kanyang ever-loyal assistant na si Mama Tenten.

 

 

Kaya sa Japan napili ni Alden na mag-celebrate nhg kanyang 31st birthday. Nag-Instagram Live ito at pinapahulaan sa mga netizens kung nasaan siya. 

 

 

Marami rin naman ang nakahula na nasa Japan nga siya. Nagpasalamat din sa rami raw niyang natatanggap na messages.

 

 

Sabi ni Alden, isang taon na lang daw at wala na nga siya sa kalendaryo pero siyempre, sa mga achievements niya kung babalikan ‘yung panahon na nagsisimula pa lang siya, sobrang dami at sobrang bigat ng mga nangyari at nabago sa buhay niya.

 

 

Kinukulit si Alden ng mga nanood ng IG Live niya na 31 na raw siya, mag-girlfriend na siya. Pero walang sinagot si Alden sa mga nagko-comment na ganito.

 

 

Ang nakikita naming excitement ni Alden ay ang Myriad Esports na palagi niyang pino-promote at pino-post din sa kanyang social media account. Isa rin ito sa talagang binanggit niya sa kanyang Live.

 

 

Obviously, career at pagiging businessman pa rin talaga ang focus ni Alden. Pero baka naman tatahi-tahimik lang ito at manggulat na lang at may ipakilalang lovelife niya ngayong 2023, huh!

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Sofia at Althea, busy rin sa kanilang serye: ELIJAH, pinagsasabihan si JILLIAN na magpahinga dahil overfatigue na

    MGA baguhang artista halos ang kasama ni Elijah Alejo sa pelikulang ‘Field Trip.’       Kaya tinanong namin ang Kapuso young actress kung may nadarama ba siyang pressure dahil parang siya ay ang magdadala ng pelikula?       “Okay, parang naano ako dun ah,” ang natatawang umpisang reaksyon ni Elijah. “Parang ngayon po […]

  • Walang ‘exempted’ sa mega-task force probe vs korupsyon – Palasyo

    TINIYAK ng Malacañang na walang exempted sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang mga alegasyon ng korupsyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.   Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na nagsimula sa maling paraan ang mandatong ito ni Pangulong […]

  • Birthday party, nagmistulang concert sa rami nang kinanta: GLADYS, ‘di napigilang maluha nang maalala ang pumanaw na ama

    BUKOD-TANGING ang actress na si Gladys Reyes lang talaga ang makakapag-pull-off ng party na tulad ng ginawa niya for her 45th birthday.     Talagang na-entertain ang mga bisita niya dahil nagmistulang concert ang party niya. Mahigit 15 songs yata ang sunod-sunod na pinerform niya, aside pa sa mga kantang kasama niya ang bestfriend na […]