• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, biyaheng Japan sa kalagitnaan ng Pebrero

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na  byaheng Japan siya sa pangalawang linggo ng Pebrero para sa  state visit.

 

 

“I think the tentative date is around the second week of February, right now,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.

 

 

Aniya, kaagad niyang tinanggap ang imbitasyon na bumisita sa Japan nang makapulong niya sii Prime Minister Kishida sa New York sa sidelines ng UN General Assembly meeting.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na “Philippine government is “now talking” to the Japanese foreign service “as to when would be the most suitable time to come.”

 

 

Sa napipinto nitong pagbisita sa Japan, inaasahan na tatalakayin ni Pangulong Marcos ang usapin na pinag-usapan sa  New York noong Setyembre ng nakaraang taon  gaya ng regional security concerns at economic security.

 

 

“Well, the agenda will be what we — will be a continued discussion of what we started in New York which essentially centers around economic security because with the — Japanese have many concerns about regional security and we are seen, of course, the Philippines is seen as an important part of maintaining that security in partnership with friends and partners like Japan and the other countries around the Indo-Pacific, Asia-Pacific region,” ang wika ng Pangulo.

 

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na pag-uusapan din nila ang mga bagay na may kinalaman sa “aid and grants.”

 

 

Bago pa lumipad patungong Japan, pupunta muna si Pangulong Marcos sa Davos, Switzerland para magpartisipa sa  World Economic Forum sa huling bahagi ng buwan. (Daris Jose)

Other News
  • Naitatalang bagong COVID-19 cases sa Metro Manila, patuloy na bumababa – DOH

    PATULOY na bumababa ang naitatalang bagong kaso ng Covid-19 sa Metro Manila ayon sa Department of Health (DOH).     Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, nananatili sa ilalim ng moderate risk case classification ang rehiyon.     Naobserbahan din na ang bilang ng bagong covid-19 cases sa buong bansa ay nasa downward trend, […]

  • Brook Lopez pumako ng pitong tres laban sa Cavs

    Umiskor si Brook Lopez ng 7 for 9 mula sa 3-point range at umiskor ng 29 puntos nang talunin ng Milwaukee Bucks ang skidding Cleveland Cavaliers, 113-98, noong Miyerkules ng gabi (Huwebes, oras ng Maynila).   Limang sunod na laro ang natalo ng Cavaliers mula nang makipagkarera sa 8-1 simula.   Si Giannis Antetokounmpo ay […]

  • NTA, namamamahaging 100M tobacco production grant sa mga magsasaka sa kalagitnaan ng Disyembre

    HANDA na ang National Tobacco Administration (NTA) na mamahagi ng P100 million crop production grant sa mga kuwalipikadong tobacco farmers sa buong bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ng NTA na ang 16,666 tobacco farmers ay tinukoy bilang recipients ng cash assistance na nagkakahalaga ng P6,000 kada isa, ipamamahagi bago o sa mismong araw […]