• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fake news hinggil sa nationwide lockdown sa darating na Dec 23 hanggang Jan 3, galing sa kalaban- Malakanyang

NANINIWALA  ang Malakanyang  na galing sa  kalaban ng gobyerno ang kumalat na balita hinggil sa sinasabing ikinakasang lockdown sa buong bansa sa darating na  Disyembre 23 hanggang Enero 3 ng susunod na taon.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na malinaw na target ng mga nasa likod ng fake news ang galitin ang taumbayan.

 

Giit ni Sec. Roque, halatang-halata na pekeng -peke ang ipinakalat na balita gayung una ng nag-anunsiyo mismo si Pangulong Duterte sa classification ng quarantine protocol para sa buong buwan ng Disyembre.

 

May polisiya ang IATF na hindi  pa babalik sa malawakang pagla-lock down at sa halip, localized na at granular ang magiging siste sa implementasyon ng lockdown sakali man.

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na matindi  ang naging hagupit sa ekonomiyang COVID19  kaya’t di na  aniya muli pang mangyayari na ang buong bansa ay muling isa- ilalim sa nationwide lockdown. (Daris Jose)

Other News
  • Halos $4b investment pledges at daan- daang libong trabaho, posibleng pumasok sa Pinas

    POSIBLENG pumasok sa Pilipinas ang $4 bilyong halaga ng   investment at daan- daan libong trabaho kasunod ng 6-day working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos.     Sa isang kalatas, sinabi ng Malakanyang  na ang business agreements at commitments na nasungkit ng Pangulo sa Estados Unidos ay tinatantiyang may investment value  na  […]

  • Ads September 6, 2022

  • PELIKULANG MAID IN MALACANANG, HUWAG PANOORIN PANAWAGAN NG OBISPO

    NANAWAGAN  ang isang Obispo na huwag tangkilikin ang kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacañang.”     Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, inilarawan nito  ang  pelikula bilang “shameless,” at nanawagan sa mga tao sa likod nito na mag-isyu ng paghingi ng tawad.     “The producer, scriptwriter, director and  those promoting this movie should […]