• May 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa nag-out na bilang gay: ‘Stranger Things’ star na si Noah Schnapp, ramdam na ang kalayaan

SA bansang Nepal nagpakita ng kanyang kakisigan ang Kapuso hunk na si Yasser Marta.

 

 

Noong nakaraang New Year ay bumiyahe sa bansang Nepal si Yasser at in-enjoy niya ang mag-hiking sa magagandang bundok doon. Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang breathtaking view ng Himalayas na pinusuan ng kanyang followers.

 

 

Pero hindi lang ang magagandang snow-capped mountains ang pinusuan ng netizens kundi pati na ang topless photos ng aktor. Kahit nga sobrang lamig ng klima sa Nepal, walang takot na mag-topless si Yasser para i-display ang kanyang balbon na dibdib at ang kanyang six-pack abs.

 

 

Nilagyan niya ng caption na “Namaste” ang isang topless photo niya.

 

 

May isang netizen na nag-comment na baka raw pulmonyahin si Yasser dahil sa sobrang lamig kaya magsuot na raw ito ng damit.

 

 

Pero may mga bekizens naman ang nag-comment na pinainit daw ni Yasser ang malamig na lugar dahil sa balbon na katawan nito.

 

 

Mas bet nga raw ng mga bekizens na topless si Yasser tulad ng mga karamihang post nito sa IG. Proud lang siguro si Yasser sa kanyang katawan kaya bakit naman daw niya ito itatago?

 

 

Huling napanood si Yasser sa teleserye na ‘What We Could Be’ at sana raw ay isang sexy na teleserye ang pagbidahan nito para raw laging mapapanood na nakahubad ang aktor.

 

 

***

 

 

NAG-OUT na bilang gay ang Stranger Things star na si Noah Schnapp.

 

 

Sa pamamagitan ng pinost niya TikTok video, pinaalam ng 18-year old actor na siya ay isang beki.

 

 

Caption niya sa video: “I guess I’m more similar to will than I thought. When I finally told my friends and family I was gay after being scared in the closet for 18 years and all they said was ‘we know.'”

 

 

Kinumpirma rin ni Schnapp na ang character niya sa Stranger Things na si Will Byers ay bading at secretly in love ito sa best friend niyang si Mike (Finn Wolfhard).

 

 

Sey ni Schnapp sa Variety: “Obviously, it was hinted at in season 1. It was always kind of there, but you never really knew: is it just him growing up slower than his friends? Now that he’s gotten older, they made it a very real, obvious thing. Now it’s 100 percent clear that he is gay and he does love Mike. But before, it was a slow arc.”

 

 

Dahil sa pag-out ni Schnapp, nakaramdam na ito ng kalayaan at puwede na siyang tumanggap ng mga projects na makakatulong sa pag-intindi sa maraming tungkol sa mga pinagdaraanan ng gay teens tulad niya.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • DA, tutulungan ang mga magsasaka na mapababa ang production cost

    TINIYAK ng  Department of Agriculture (DA) na tutulungan nito ang mga magsasaka na mapababa ang production costs, kinokonsiderang  pangunahing dahilan sa pagtaas ng market price ng bigas.     Sinabi ni  DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na masusi nang nakikipag-ugnayan ang departamento sa grupo ng mga  rice farmers  dahil na rin sa pagtaas ng presyo […]

  • Pinas, nasa ‘normal footing’ na sa gitna ng pagbaba ng Covid-19-PBBM

    SINABI ni Pangulong  Ferdinand R Marcos Jr. na nasa “normal footing” na ang Pilipinas bago pa ideklara ng World Health Organization (WHO) na  nagtapos na ang emergency phase ng  coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.     Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang dahilan para ibalik ang emergency status lalo pa’t bumaba na ang kaso […]

  • Pinipilit gayahin ni AiAi pero ‘di nagawa: Tiktok dance ni MARIAN, 80 million views na in four days

    SINUBUKAN lang or sabi nga ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang Tiktok account, “Try lang,” ang dance niya na “Price Tag,” ang 2011 hit song ng British singer na si Jessie J.     At nag-gain na naman ng kasikatan sa Tiktok sa bago nitong choreography, heto’t sa loob lamang ng […]