• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

General at colonels na nakapagsumite na ng courtesy resignation, sasailalim sa lifestyle check

INIHAYAG ng Philippine National Police na sasailalim sa lifestyle check ang mga general at colonel ng pulisya na nagsumite na ng kanilang courtesy resignation.

 

 

Ayon kay Philippine National Police Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang lifestyle check ay bahagi ng pagsisikap ng five-man committee na magsusuri sa courtesy resignations at magrerekomenda kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Sa pinakahuling bilang, mahigit 500 na matataas na opisyal ng pulisya ang nagsumite na ng kanilang courtesy resignation, ngunit hindi malinaw kung kabilang dito ang 10 na iniulat na sangkot sa illegal drug trade.

 

 

Samantala, ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption, mas mabuting kasuhan na lang ang mga opisyal na sangkot sa illegal drug trade, dahil maaaring mauwi sa demoralisasyon sa Philippine National Police ang paghingi ng courtesy resignation ng lahat ng matataas na opisyal.

 

 

Kaugnay niyan, wala pa umanong komento ang Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pahayag ng Volunteers Against Crime and Corruption.

 

 

Una rito, si Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang umapela sa mga generals at full colonels na isumite ang kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng pagsisikap na alisin sa puwersa ng pulisya ang mga nasasangkot sa illegal drug trade. (Daris Jose)

Other News
  • SECURITY GUARD, 2 PA TIKLO SA P6.9M DROGA SA CALOOCAN

    MAHIGIT P6 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong sa drug suspects, kabilang ang 35-anyos na security guard matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City. Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcemt Group (PNP-DEG) Chief P/Lt. Col. Richard Ian Ang ang naarestong suspek na si alyas “Sahibad” ng […]

  • Bigas sa halip na pera sa 4Ps, isinusulong

    PINAG-AARALAN na ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Department of Agriculture (DA) na magbigay ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa halip na tulong pinansyal o pera mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Sinabi ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro na iminungkahi nila […]

  • MAKIKINABANG ANG MARAMI SA CANNABIS INDUSTRY

    MAKIKINABANG  ang marami sa cannabis industry sakaling maaprubahan ang panukalang legalisasyon sa paggamit nito bilang gamot.     Ito ang pahayag ni Zara Uytingban Cruz, isang cannabis legalisasyon advocate sa isang forum sa Quezon City.     Ayon kay Cruz, isa sa unang makikinabang ay ang mga magsasaka o nagtatanim ng tobako sa Ilocos Region […]