Premium rate ng PhilHealth sa 2023, mananatili sa 4%
- Published on January 12, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mananatili pa rin sa 4% ang kanilang premium rate na may income ceiling na P80,000 para sa CY 2023.
Ito ay bilang pagtalima na rin sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na suspindihin ang nakatakda sanang premium rate increase na mula 4.0% ay gagawin sanang 4.5%, gayundin ang pagtataas ng income ceiling ng mula P80,000 hanggang P90,000.
Sinabi ni Acting PCEO Emmanuel Ledesma, Jr., nakatakdang magpalabas ang PhilHealth ng hiwalay na advisory hinggil rito, kung saan isasaad ang mga gabay na mag-iimplementa ng naturang direktiba, partikular na para sa mga direct contributors.
Tiniyak ni Ledesma na tuloy pa rin ang rollout ng bagong benefit packages, na dapat sana ay kukuhanin mula sa premium increase, tulad ng nakaplano.
Kabilang aniya dito ang Outpatient Therapeutic Care para sa Severe Acute Malnutrition, Outpatient Package para sa Mental Health, Comprehensive Outpatient Benefit, at iba pa.
Inatasan na aniya ang pamunuan upang magpatupad ng mga kinakailangang istratehiya upang matiyak ang implementasyon ng mga naturang benepisyo.
Siniguro rin naman ng PhilHealth sa publiko na ang mga kasalukuyang benepisyo na ini-enjoy ng kanilang mga miyembro ay hindi maaapektuhan ng nasabing suspensiyon. (Daris Jose)
-
Nag-viral at higit 3 million views na: WILBERT, pinakaunang male celeb na gumawa ng ‘Asoka Makeup’ challenge
AS expected, hindi nagpakabog ang sikat na content creator, influencer at talent manager na si Wilbert Tolentino sa Asoka Makeup challenge na trending ngayon sa socmed. As of this writing, naka-3 million views na ang Asoka makeup challenge na version ni Wilbert after one hour, na naka-post sa kanyang FB fanpage na @WilbertTolentino. Very entertaining […]
-
“Harold and the Purple Crayon” Comes to Life in a New Fantasy Comedy Film
EXPERIENCE the magic of imagination as “Harold and the Purple Crayon” comes to life in a new fantasy comedy film starring Zachary Levi. Discover a world of adventure when it opens in Philippine cinemas on August 21. Countless families have cherished Crockett Johnson’s Harold and the Purple Crayon since […]
-
IATF niluwagan ang panuntunan sa pagbiyahe sa iba’t ibang bahagi ng PH
Niluwagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga panuntunan sa interzonal travel para sa mga fully-vaccinated person kabilang na ang mga senior citizens. Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, na base sa IATF Resolution 124-B na ang mga interzonal travelers na fully vaccinated laban sa […]