• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ombudsman kinuwestiyon ang DA at FTI sa pagbili ng mahal na sibuyas

HININGI ng Office of the Ombudsman ang ­paliwanag ng mga opis­yal ng Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Inc. (FTI) sa pagbili sa mataas na ­presyo ng sibuyas sa isang kooperatiba.

 

 

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, nais niyang malaman ang katwiran sa pagbili ng dalawang ahensiya ng P537 kada kilo ng sibuyas mula sa ­Modena Multi-Purpose Cooperative.

 

 

Sa sulat ni Martires sa mga opisyal, ­hihingiin niya ang paliwanag ng mga ito kung saan hinugot ang P140 milyon na ipinambili ng sibuyas.

 

 

Nabatid na ang FTI naman ang ginamit na ahensiya sa pagbili ng mga sibuyas mula sa kooperatiba.

 

 

Ang mga biniling sibuyas ay ipinagbili naman sa Kadiwa Stores sa halagang P170 kada kilo.

 

 

Ang  paliwanag ng mga nabanggit ay magi­ging bahagi na ng isasagawang imbestigasyon ng Ombudsman hinggil dito. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM maayos ang pakiramdam at kalagayan sa kanyang ikatlong araw na isolation

    MAAYOS ang pakiramdam at kalagayan ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil dalawang araw matapos tamaan ng covid-19 si PBBM.     Sa katunayan, sinabi ni Garafil na sasabak pa nga sa isang teleconference ang Pangulo ngayong hapon.     Matatandaang hindi nakadalo […]

  • Dahil hindi alam kung saan dadalhin ang trophy: SHARON na nagwaging Best Actress, wanted sa GEMS Awards

    WANTED ng GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) si Megastar Sharon Cuneta.     Si Sharon kasi ang best actress winner ng GEMS Awards para sa Revirginized, ang unang Vivamax movie ng aktres.     Gusto sana nila tanungin si Ate Shawie kung saan nila pwede ihatid ang kanyang trophy.     Kaso kababalik […]

  • PDu30 ,’satisfied, very happy’ sa achievements ng kanyang administrasyon- CabSec Matibag

    “SATISFIED” at “very happy” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging performance ng kanyang gobyerno sa nakalipas na anim na taon.     Sinabi ni Cabinet Secretary Melvin Matibag na “very delighted” si Pangulong Duterte matapos na iprisinta ng kanyang mga cabinet members ang kanilang accomplishments sa isinagawang huling “full Cabinet meeting”, Lunes ng gabi. […]